1,879 total views
Inaanyayahan ng Stella Maris Philippines ang mga Filipino Migrant Fisher sa mga idadaos na orientation at training programs ngayong Hunyo at Hulyo, 2023.
Katuwang ng Stella Maris Philippines ang International Labor Organization sa pagsasagawa ng programang “Empowering Filipino migrant fishers through a comprehensive pre-departure information package and rights-based policy advocacy.”
Layon ng programa na matulungan ang mga mangingisdang Overseas Filipino Workers (OFW) na magkaroon ng karagdagan at sapat na kaalaman sa kanilang magiging trabaho lalu na ang mga unang beses na magtatrabaho sa ibayong dagat.
“Thus:In responding to the challenges facing Filipino migrant fishers on foreign-flag commercial fishing vessels, the International Labour Organization (ILO), a specialized United Nations agency mandated to set international labour standards, and Stella Maris Philippines are jointly implementing this project.” mensaheng ipinadala ng Stella Maris Philippines sa Radio Veritas.
Para sa mga nais makibahagi at magkaroon ng karagdagang importmasyon sa programa ay maaring makipag-ugnayan kay Stella Maris Coordinator – Ms.Joy Viray-Gatmaytan sa mga numerong -09189160714 o magpadala ng mensahe sa kaniyang email address na [email protected].
Maari ding makipag-ugnayan kay ILO Project Coordinator Mr.Huessein Macarambon sa numerong – 09173042011 o magpadala din ng mensahe sa kaniyang email address na [email protected].
Ang unang bahagi ng training program na idadaos sa ngayong Hunyo ay gaganapin sa lungsod ng Maynila habang sa Hulyo ay idadaos sa Cebu.
Nilinaw ang Stella Maris Philippines na ang pagdaraos ng programa ay dahil sa kakulangan ng mga orientation program para sa mga Filipino Migrants Fishers upang makapaghanda at maging pamilyar sa mga bansa o kompanya kung saan sila magtatrabaho.
Batay sa datos ng Department of Migrant Workers noong Enero hanggang Oktubre 2022, aabot sa 230-libo ang bilang ng mga sea-based na OFW ang nagtatrabaho sa mga karagatan ng buong mundo.