Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Taal at Mayon volcano, binabantayan ng OCD

SHARE THE TRUTH

 3,144 total views

Binabantayang mabuti ng Office of Civil Defense (OCD) ang kalagayan Bulkan Mayon sa Albay at Bulkang Taal sa Batangas kasunod ng pagtaas sa mga aktibidad nito.

Ayon kay OCD Administrator Ariel Nepomuceno, inatasan na ang regional civil defense offices at disaster risk reduction and management (DRRM) councils upang tiyakin ang paghahanda sakaling lumala ang sitwasyon ng mga bulkan.

“This is standard procedure for the OCD as we continue to ensure that local governments are onboard and ready for any contingency.” pahayag ni Nepomuceno.

Muli namang hinikayat ni Nepomuceno, na siya ring executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang publiko na sundin ang mga paalala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) lalo na sa mga pamayanang nakapaligid sa Bulkang Mayon at Taal.

Kabilang na rito ang pag-iwas sa pagpasok sa mga lugar na nakapaloob sa permanent danger zones, at pagkakalantad sa mga ibinubugang sulfur dioxide na nagsasanhi ng volcanic smog o vog na mapanganib sa kalusugan.

“Though there is no imminent threat of a major eruption coming from Taal and Mayon, as seen in the latest bulletins of PHIVOLCS, our mandate to proactively prepare for these possible hazards dictates that preparations continue to prevent casualties and other damages.” saad ni Nepomuceno.

Batay sa huling ulat ng PHIVOLCS, nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon at nakapagtala ng dalawang volcanic earthquakes at 46 rockfall events sa nakalipas na 24-oras.

Habang nakataas pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal na nakapagtala naman ng isang volcanic tremor at patuloy na nagbubuga ng vog.

Una nang nanawagan sa publiko ang Diocese of Legazpi at Archdiocese of Lipa na paigtingin ang paghahanda, at patuloy na manalangin ng Oratio Imperata para sa paggabay at kaligtasan ng lahat mula sa mga aktibidad ng Bulkang Mayon at Taal.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 18,657 total views

 18,657 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 26,757 total views

 26,757 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 44,724 total views

 44,724 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 73,882 total views

 73,882 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 94,459 total views

 94,459 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 8,492 total views

 8,492 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,779 total views

 9,779 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 15,182 total views

 15,182 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 17,166 total views

 17,166 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top