Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,863 total reads

Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope Francis bilang isa sa mga pinakamaimpluwensiyang lider na tunay na nagbigay-pansin sa kalagayan ng mga katutubong pamayanan sa buong mundo.

Ayon kay CBCP-ECIP Executive Secretary Tony Abuso, malaki ang pasasalamat ng mga katutubo sa pagpapahalagang ipinakita ng Santo Papa sa komunidad—lalo na sa pamamagitan ng kanyang mga ensiklikal tulad ng Laudato Si’ at Laudate Deum—na hindi lamang tumutok sa pangangalaga ng kalikasan kundi isinulong din ang karapatan at dignidad ng mga katutubo.

Ang pahayag na ito ni Abuso ay kaugnay ng pagpanaw ng 88-taong gulang na Santo Papa noong Lunes ng Muling Pagkabuhay.

“Nakikiisa ang mga kapatid nating katutubo sa pagpanaw ng ating Santo Papa na isa sa mga nagdala ng tunay na kalagayan ng mga katutubo sa buong mundo. Isa rin itong pasasalamat ng ating mga katutubo na kinikilala nila ang mga nagawang pahayag ng ating Santo Papa at kahit na sa kanyang pagpanaw, dala-dala ng maraming katutubo ang pag-asa at ang mga mahalagang nabanggit niya at mga encyclicals na tumutugon sa mga pangangailangan at pagkilala sa mga kapatid nating katutubo, hindi lang dito sa Pilipinas kung ‘di sa buong mundo,” pahayag ni Abuso sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Abuso, na bagamat pumanaw na si Pope Francis, ang kanyang mga iniwang aral at paninindigan ay mananatili sa puso’t isip ng mga katutubo at magpapatuloy na magsilbing gabay sa pakikipaglaban para sa dignidad at karapatang pantao.

“Buo ang kanilang paniniwala na ang mga iniwang aral at paninindigan ni Pope Francis ay mananatiling buhay sa puso ng bawat katutubo at magpapatuloy na magbigay-inspirasyon sa kanilang pakikibaka para sa dignidad at karapatang pantao,” ayon kay Abuso.

Sa Laudato Si’, binigyang-diin ng yumaong Santo Papa ang kanyang pag-aalala sa kalagayan ng mga katutubo, na madalas dumanas ng pananakot, pang-uusig, at sapilitang pagpapalayas sa kanilang mga lupaing ninuno para bigyang-daan ang mapaminsalang pag-unlad.

Iginiit ni Pope Francis na ang mga katutubo ay likas na tagapangalaga ng kalikasan at itinuturing na mga tunay na katiwala ng sangnilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 110,451 total reads

 110,451 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 204,478 total reads

 204,478 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 248,747 total reads

 248,747 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 271,855 total reads

 271,855 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 341,889 total reads

 341,889 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 148,031 total reads

 148,031 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top