Pundasyon ng lipunan, sisirain ng divorce

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,345 total views

Nanindigan ang Alliance for the Family Foundation Philippines Inc. (ALFI) laban sa pagsasabatas ng diborsyo na labag sa konstitusyon ng bansa.

Ayon kay ALFI Vice President Atty. Jesus Joel Mari Arzaga, malinaw ang isinasaad sa Section 2 ng Article XV na dapat bigyang proteksyon ng pamahalaan ang kasal sapagkat ito ang pundasyon ng lipunan.

Malinaw po sa description ng ating constitution ang pag characterize sa marriage bilang isang inviolable social institution…so clearly divorce is contrary to the sanctity of marriage,” pahayag ni Arzaga sa Radio Veritas.

Sinabi ni Arzaga na naging basehan ng mga mambabatas na nagsusulong ng diborsyo ang isang bahagi ng commonwealth act na ipinatupad noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano kung saan pansamantalang ipinatupad ang diborsyo.

Nagbabahala rin si Arzaga sa pag-iidolo ng iilan sa Western culture na nais gayahin ang diborsyo lalo’t sa Amerika naitala ang 50 porsyentong paghihiwalay ng mga mag-asawa sa first marriage; 60 porsyento sa second marriage; at 70 porsyento sa third marriages.

Hindi po natin nanaisin na mangyayari yan sa atin na yung kasal maging nothing more but a piece of paper, because for us ayon sa ating konstitusyon ang kasal ay ang pundasyon ng ating nasyon,” giit ni Arzaga.

Sa ginawang pagdinig sa senado noong April 18 bukod tanging ALFI lamang ang grupong dumalo na nanindigan laban sa diborsyo.

I hope in case another committee hearing is scheduled, I hope that we can all come together and voice our opposition against this divorce bill before the senate; conserted effort sanan na nakikipag-usap din ang simbahan doon sa mga mambabatas natin,” ani ng opisyal ng ALFI.

Gayunpaman tiniyak ng ALFI na makikiisa sa mga programang makatutugon sa suliranin sa pamilya na naging basehan sa pagsusulong ng diborsyo lalo na ang pagbibigay edukasyon sa mamamayan ukol sa kahandaang makipag-isang dibdib at pagbuo ng pamilya.

Una nang sinabi ni Fr. Jerome Secillano ng CBCP Public Affairs Commission na bukas ang simbahan sa pakikipagadyalogo sa mga mambabatas na nagsusulong ng diborsyo upang maipaliwanag ang paninidigan ng simbahang katolika.

Sa halip na diborsyo, umaapela ang simbahan sa mga mambabatas na gumawa ng batas na magpapatatag sa pundasyon ng pamilya na mapakikinabangan ng mga Pilipino.

Embarkation at disembarkstion, higit pang patatagin ng Stella Maris international

 40 total views

Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga kasapi ng International Stella Maris Network na higit pang patatagin ang pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit sa mga mandaragat, mangingisda, migranteng manggagawa, at kanilang mga pamilya bilang kongkretong pagpapakita ng misyon ng Simbahan sa mga taong malalayo sa kanilang tahanan.

Sa kanyang talumpati sa Scalabrinian International Stella Maris Network na ginanap sa São Paulo, Brazil noong July 20 hanggang 23, sinabi ng obispo na nagsisilbi ring CBCP Bishop Promoter of Stella Maris-Philippines na nananatiling matatag ang paninindigan ng ministeryo sa kabila ng mga hamon sa paglilingkod sa maritime sector.

“Our resolve remains firm: to be present, to listen, to serve, and to protect,” ayon kay Bishop Santos.

Paliwanag ng obispo na bagama’t kinahaharap ng Stella Maris ang kakulangan sa mga mapagkukunan, limitasyon sa pagpasok sa mga pantalan, at iba pang hadlang sa pastoral na pangangalaga sa mga barko, patuloy itong umaangkop upang matiyak na walang mga seafarers ang mapapabayaang walang suporta.

Ibinahagi rin ni Bishop Santos ang lawak ng paglilingkod ng Stella Maris-Philippines, na nagsimula noong 1958 at ngayo’y naglilingkod na sa 16 pangunahing pantalan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sa pamamagitan ng mga seafarers’ centers, chapels, at drop-in hubs, patuloy nitong pinaglilingkuran ang mga seafarer, mangingisda, port workers, maritime students, at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pastoral care, counseling, ship at hospital visitations, legal referrals, humanitarian assistance, at iba pang mga programa.

Binigyang-diin ng obispo na ang pagkakakilanlan ng Stella Maris ay hindi lamang nakasalalay sa mga serbisyong ibinibigay kundi maging sa diwa ng pakikipagkaisa sa misyon ng Simbahan.
“This is who we are: People who embark in communion, connection, and collaboration and who disembark as signs of hope, guiding stars, and ladders to God,” aniya.

Ayon kay Bishop Santos, ang “embarkation” ay sumasagisag sa pakikipagkaisa sa Simbahan sa pamamagitan ng komunyon, koneksyon, at kolaborasyon, habang ang “disembarkation” ay ang aktuwal na paglapit sa mga tao bilang mga tanda ng pag-asa, gabay tungo kay Kristo, at tulay upang maabot ang mas mabuting kinabukasan.

Hinimok din ng opisyal ang mga kasapi ng Stella Maris na higit pang pagtibayin ang sama-samang paglilingkod sa halip na magkaroon ng kompetisyon sa loob ng Simbahan.

“Within the Church, we are not competitors but collaborators; not strangers but brothers and sisters, united in one mission of charity and justice,” giit ni Bishop Santos.

Binigyang-diin ng obispo na ang magkakatuwang na pagkilos ng iba’t ibang diyosesis, kongregasyon, at organisasyon ay mahalaga upang higit pang mapangalagaan ang dignidad, karapatan, at kapakanan ng mga taong nabubuhay at nagtatrabaho sa dagat.

Tiniyak ng obispo ang patuloy na pakikiisa ng Stella Maris-Philippines sa pandaigdigang misyon ng ministeryo para sa mga migranteng manggagawa at mga seafarer.

“Please be assured of our cooperation, our commitment to migrants and seafarers, and our compassion for all who journey far from home,” ayon kay Bishop Santos.

Ang pagtitipon ng Scalabrinian International Stella Maris Network ay dinaluhan ng mga obispo, pari, relihiyoso, at mga katuwang sa pastoral ministry mula sa iba’t ibang bansa upang palakasin ang pandaigdigang pagkakaisa sa paglilingkod sa mga seafarers, mangingisda, migrante, at iba pang nasa sektor ng maritime.

Pagkakaibigan, pinakamabisang daan ng bokasyon-Cardinal Tagle

 25,395 total views

Iginiit ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-prefect ng Dicastery for Evangelization, na ang pagkakaibigan ang isa sa pinakamabisang daan ng bokasyon, sapagkat sa pamamagitan ng mga tunay na ugnayan nagiging buhay at konkretong karanasan ang pagkilala kay Hesus at ang pagtugon sa tawag ng Diyos.

Tinalakay ito ni Cardinal Tagle sa isinagawang Heart to Heart Talk sa unang araw ng 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) 2026 sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion, kung saan ibinahagi nina Sr. Mary Joannie Bolisay ng Sisters of Saint Paul of Chartres (SPC) at Fr. Dean Jerome Cruz ng Diocese of Cabanatuan ang mga pagkakaibigang naging bahagi ng kanilang paglalakbay tungo sa buhay relihiyoso at pagpapari.

Binigyang-diin ni Cardinal Tagle na bagama’t mahalaga ang mga vocation promotion materials tulad ng posters, videos, short stories at seminars, mas nagiging makapangyarihan ang personal na ugnayan at buhay na patotoo ng mga taong nagpapakita ng kasiyahan sa paglilingkod sa Diyos.

“While we appreciate the use of film, mga short stories na nakikita natin sa TV, yung mga posters announcing a diocese, a seminary, a religious order, they’re all good for giving information. But we should not discount the role of friendship in making the face of Jesus, the face of the Church, real to people,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Ibinahagi ni Sr. Bolisay na ang kanyang pagtugon sa bokasyon ay unti-unting nahubog sa pakikipagkaibigan niya sa mga seminarista ng Maria Asunta Seminary noong siya ay youth coordinator ng Diocese of Cabanatuan.

Ayon sa madre, ang masayang samahan at dedikasyon ng mga seminarista sa paglilingkod ang naging inspirasyon upang makita niya ang kagandahan ng buhay relihiyoso.

“Iyong joyful disposition ng mga seminarians, ‘yun po ‘yung isa sa mga nakahikayat sa akin na pwede naman palang subukan. At sila din po ‘yung nagpakilala sa akin ng congregation kung saan po ako papasok,” ayon kay Sr. Bolisay.

Samantala, ibinahagi naman ni Fr. Cruz na ang kanyang bokasyon bilang pari ay nagsimula rin sa pag-anyaya at paggabay ng mga kaibigang altar server at youth ministers noong siya ay nasa high school.

Binigyang-diin ng pari na mahalaga ang pagkakaroon ng mabubuting kaibigan maging sa patuloy na buhay-paglilingkod, lalo na sa panahon ng mga pagsubok at panghihina ng loob sa ministeryo.

“Truth and charity, magkakambal po ‘yan para sa growing relationship. You have to be truthful and of course you have to be charitable in expressing the truth para po balanse. Kasi kapag truth lang po, baka po masaktan kung walang charity. Pero kung charity lang, baka puro compromise naman po at wala pong truth. Baka po fake friendship na po ‘yun,” saad ni Fr. Cruz.

Sa pagtatapos ng talakayan, hinikayat ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na huwag matakot makipagkaibigan at maging saksi ng pag-ibig ni Kristo, dahil ang mga ugnayang binubuo ngayon ay maaaring maging binhi ng mga bokasyon sa hinaharap.

“The seeds of friendship that you sow now will be the harvest of vocation in the future,” ayon kay Cardinal Tagle.

Tema ng PCNE XII ang “Sangkay: I have called you Friends (John 15:15),” na naglalayong palalimin ang diwa ng pagkakaibigan bilang daan tungo sa pagbabagong-loob sa misyon at sa pagbuo ng isang higit na sinodal na Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Pag-ibig, pundasyon ng tunay pakikipagkaibigan

 25,087 total views

Binigyan-diin ng Prior Provincial ng Dominican Province of the Philippines Father Filemon Dela Cruz Jr., O.P – , ang ‘pag-ibig’ bilang pundasyon ng tunay na pakikipagkaibigan at matatag na ugnayan ng bawat mananampalataya sa kaniyang mensahe para sa 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa University of Santo Tomas.

Ito ay sa kaniyang pagninilay sa session ng “Confessio Peccati et Laudis: Healing and Nurturing Relationships,” na nakatuon sa pagpapanumbalik at pagpapatibay ng mga ugnayan.

Ayon kay Fr. dela Cruz, ang tunay na pagkakaibigan ay nakaugat sa pag-ibig na nag-uudyok sa tao na pahalagahan, ingatan, at alagaan ang kapwa.

Iginiit niyang ang pagmamahal ay hindi lamang damdamin kundi isang desisyon na kilalanin ang dignidad at kahalagahan ng bawat tao, na siyang nagpapatatag sa mga ugnayang humuhubog sa pamayanan ng pananampalataya.

“Friendship is friendship in love, kaya kapag ika’y nagmahal, iingatan mo ang halaga ng isang tao pinapahalagahan mo ang taong yan, kaya mahal kita l, mahalaga ka sakin,” ayon sa pagninilay ni Fr.Dela Cruz

Binigyang-diin din ng pari na ang pagpapahalaga sa kapwa ay nagiging daan upang mapagaling ang mga nasirang relasyon at makabuo ng mga pamayanang nagkakaisa sa diwa ng pakikinig, pag-unawa, at pagmamalasakit. dahil ang tunay na pagkakaibigan ay naipapakita sa konkretong pag-aaruga at patuloy na pag-akay sa isa’t isa tungo sa pag-ibig ni Kristo.

Kaugnay nito, umaasa si Fr. dela Cruz na magsisilbing inspirasyon ang PCNE 2026 upang higit pang mapalalim ang kultura ng pagkakaibigan at pagmamahalan sa loob ng Simbahan, kasabay ng paghahanda ng mga mananampalataya para sa Evangelization 2033, sa pamamagitan ng paghubog ng mga disipulong handang magmahal, maglingkod, at maghatid ng pag-asa sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 86,658 total views

 86,658 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 114,949 total views

 114,949 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 160,881 total views

 160,881 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 193,963 total views

 193,963 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 216,857 total views

 216,857 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top