Bishop-elect Cuevas, magiging inspirasyon ng Apostolic Vicariate of Calapan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,955 total reads

Lubos na ikinagalak ng Apostolic Vicariate of Calapan, Oriental Mindoro ang pagkakatalaga kay Zamboanga Administrator at Auxiliary Bishop Moises Cuevas bilang obispo ng bikaryato.

Ayon kay Social Action Director Fr. Edwin Gariguez, nasasabik na ang buong bikaryato sa pagtanggap kay Bishop Cuevaz na pamumunuan ang nasa 900-libong katoliko katuwang ang 70 mga pari mula sa 23 parokya.

Sinabi ng pari na sa pamamatnubay ni Bishop Cuevaz ay maipagpapatuloy ng bikaryato ang sama-samang paglalakbay upang higit na maipalaganap ang pananampalataya lalo na sa malalayong pamayanan.

“His pastoral experience in the Archdiocese of Zamboanga will certainly be a source of inspiration for us in the Vicariate, especially the dynamism of the Church in the face of social challenges and in grassroots evangelization thru BECs [basic ecclesial communities] in Mindanao,” pahayag ni Fr. Gariguez sa panayam ng Radio Veritas.

Umaasa rin si Fr. Gariguez na magiging tagapagtaguyod ng kalikasan ang bagong obispo lalo’t nahaharap ang bikaryato sa iba’t ibang suliraning pangkalikasan.

Maliban sa epekto ng tumagas na langis mula sa tumaob na MT Princess Empress sa karagatan ng Mindoro, pagsubok rin ang malawakang pagmimina na unti-unting umuubos sa mga likas na yaman ng isla.

“The ecological challenge in Mindanao, especially with regards to large-scale mining, is equally important concern in Mindoro island. We hope our new Bishop will also be an advocate of ecological conversion for our local Church,” saad ni Fr. Gariguez.

Isinapubliko ng Vatican ang pagtatalaga ni Pope Francis kay Bishop Cuevas bilang bagong pastol ng Apostolic Vicariate of Calapan kasabay ng Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo.

Si Bishop Cuevas ang hahalili kay Bishop Warlito Cajandig na nagretiro dahil sa iniindang karamdaman.
Ang obispo na tubong Batangas City ay ipinanganak noong November 25, 1973, inordinahang pari ng Archdiocese of Zamboanga noong December 6, 2000 at naging obispo August 24, 2020.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 48,201 total reads

 48,201 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 165,884 total reads

 165,884 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 251,253 total reads

 251,253 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 297,993 total reads

 297,993 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 345,860 total reads

 345,860 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 441,658 total reads

 441,658 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 174,029 total reads

 174,029 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top