Vaccine confidence, patuloy na ipapalaganap ng CBCP-ECHC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,424 total reads

Iginiit ng Healthcare Commission ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang patuloy na pagpapalaganap ng vaccine confidence sa bawat pamayanan.

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Health Care executive secretary Fr. Dan Cancino, MI, ang pagsisikap na maipaliwanag sa publiko ang kahalagahan ng bakuna ay makatutulong para sa kaligtasan laban sa mga nakahahawang karamdaman tulad ng coronavirus disease.

“Tuloy pa rin tayo sa pagpapalaganap ng confidence sa vaccination. Kasi hindi naman natin alam kung ano ang kahihinatnan natin sa mga nangyayari lalo na sa kalusugan ng mamamayan.” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Tinukoy ni Fr. Cancino ang COVID-19 vaccination campaign ng pamahalaan na nagpapatuloy upang mabigyan ng karagdagang proteksyon ang publiko mula sa virus.

Sinabi ng pari na hindi pa rin naaabot ng ilang lugar sa bansa ang target population na mababakunahan laban sa virus dahil sa kakulangan sa information dissemination, gayundin ang pagiging kampante ng publiko dahil sa pagbaba ng mga naitatalang kaso.

Paliwanag ni Fr. Cancino na naitatala ang mababang kasong virus dahil sa tulong ng mga bakuna kaya mas mababawasan pa ito kung makikibahagi ang mamamayan sa kampanya ng pamahalaan.

“Sabihin na rin natin na bumababa ang kaso ng COVID-19 pero meron pa ring kaso, at ang mga naaapektuhan nito ay ang vulnerable groups. Meron pa ring namamatay dahil sa COVID pero hindi na katulad dati. Siguro mayroong ibang complications, comorbidities, at hindi maiiwasan ‘yun. Kaya may mga paraan tayo na pwedeng gawin. Kaya let’s take advantage na kunin ang paraan na ito,” ayon kay Fr. Cancino.

Nito lamang Hunyo ay nagsimula nang mamamahagi ng COVID-19 bivalent vaccines ang Department of Health para sa priority groups na kinabibilangan ng healthcare workers at senior citizens.

Sa kasalukuyan, nasa 391-libong doses ng Cominarty Pfizer-BioNtech-adapted bivalent vaccines ang natanggap ng DOH mula sa Lithuanian Government noong Hunyo 3.

Ipapamahagi ito bilang ikatlong booster dose sa priority groups na nakatanggap na ng second booster shot apat hanggang anim na buwan na ang nakalipas.

Sa huling tala, nasa halos 180-milyong COVID-19 vaccine doses na ang naipamahagi ng DOH mula nang simulan ang vaccination campaign noong 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 219,001 total reads

 219,001 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 253,674 total reads

 253,674 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 269,574 total reads

 269,574 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 306,064 total reads

 306,064 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 311,654 total reads

 311,654 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 93,482 total reads

 93,482 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top