Pangulong Marcos, bagsak ang grado sa ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,470 total reads

Dismayado ang Alyansa Tigil Mina sa unang taon mula nang maupo bilang pangulo ng Pilipinas si Ferdinand Marcos, Jr.

Ayon sa ATM, isang taon pa lamang sa termino ang pangulo ngunit makikitang nananatili pa rin ang ilegal na operasyon ng pagmimina sa bansa na patuloy na lumalabag sa mga batas at nakakaapekto sa buhay ng mga tao.

“Alyansa Tigil Mina is dismayed at the aggressive revitalization of the mining industry in the midst of mounting resistance by mining-affected communities such are the cases in Sibuyan Island, Romblon; in Brooke’s Pt., Palawan and in Sta. Catalina, Negros Oriental.” pahayag ng ATM.

Iginiit ng grupo na hindi makatarungang ipagpatuloy ng Administrasyong Marcos at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang polisiya sa pagmimina ng nakaraang administrasyon ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y sa halip na bawiin ang Executive Order 130 at muling ipatupad ang pagbabawal sa pagmimina sa buong bansa sa kabila ng iba’t ibang paglabag ng mga malalaking kumpanya sa mga umiiral na batas pangkalikasan.

“Mining is heavily promoted and justified by government despite its destructive impacts on the environment and communities. We are keenly aware that mining companies owned by members of Congress or those with close links to elected officials are aggressively entering communities despite the lack of consultations or consent from local authorities.” giit ng grupo.

Nananatili naman ang paninindigan at pagsuporta ng Alyansa Tigil Mina para sa mga apektadong pamayanan at lokal na pamahalaan upang tuluyang maipatigil ang ilegal na pagmimina sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Gayundin ang patuloy na pagsusulong na mapawalang-bisa ang Republic Act 7942 o ang Mining Act of the Philippines, at paglikha ng bagong batas sa pagmimina na mas magbibigay ng katarungan sa kalikasan at kapakanan ng bawat mamamayan.

Batay sa huling tala ng Mines and Geosciences Bureau, aabot sa 49 minahan ang kasalukuyang nagsasagawa ng operasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nakasaad naman sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mariin nitong pagtutol sa industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala at pahihirap sa mga apektadong pamayanan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 216,609 total reads

 216,609 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 251,282 total reads

 251,282 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 267,182 total reads

 267,182 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 303,672 total reads

 303,672 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 309,411 total reads

 309,411 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 93,347 total reads

 93,347 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top