Paglikha ng pagkaing masustansiya at abot-kayang halaga, tinututukan ng DOST

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,686 total reads

Tututukan ng Department of Science and Technology (DOST) ang paglikha ng pagkain na masustansiya at abot-kaya ng bawat mamamayan.

Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum, patuloy na itinataguyod ng ahensya sa pamamagitan ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ang pagsusuri sa mga pagkain na makatutulong upang mapabuti ang kalusugan lalo ng mga kabataan.

Ang pahayag ni Solidum ay kasabay ng DOST-FNRI 49th Seminar Series na may temang “Innovative, Accessible, and Affordable Diet for All: Products of R&D (Research and Development) and S&T (Science and Technology) Services”.

“Kasi sa tunay na kahulugan ng tamang kalusugan ay dapat mayroon kang pagkaing nutritious. Pero dapat ang pagkain na ‘to ay available, ibig sabihin, accessible sa marami at syempre kayang bilhin, affordable,” pahayag ni Solidum.

Inihalimbawa ng kalihim ang enhanced nutribun na programa ng FNRI upang matugunan ang malnutrisyon at mabigyan ng wastong nutrisyon ang mga kabataan.

Sinabi ni Solidum na sinisikap ng FNRI na palawakin pa ang programa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor ng pamayanan.

“For example, ang enhanced nutribun na talagang maraming mga bakery ang mag-produce sa iba’t ibang dako ng Pilipinas, number 1 selling technology ‘yun. And this would now be used for the school feeding program at ‘yung iba naman ay pwedeng nang itinda,” ayon kay Solidum.

Inihayag naman ni DOST-FNRI Director Dr. Imelda Angeles-Agdeppa na ang mga pagsusuring ginagawa ng ahensya ay layong makatulong na matugunan ang umiiral na malnutrisyon sa bansa.

Dagdag pa ni Agdeppa na katuwang ng FNRI ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang ang mga nalilikhang produkto mula sa masusing pag-aaral ay mabilis na maipamahagi sa mga mahihirap na sektor ng lipunan lalo na sa mga kabataang higit na apektado ng malnutrisyon.

“Hindi po ito magagawa ng isang ahensya lang, kaya sinasabi natin nandito ang Department of Social Welfare and Developmen kasi sila po ‘yung tumutulong na maibsan ang problema na ito through ‘yung sinasabi naming science and technology driven solutions. They are using our innovative products. So, sila po ‘yung pinakabibigyan natin ng iba’t ibang produkto para ma-address ang malnutrition,” ayon kay Agdeppa.

Batay sa tala ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) Philippines, 95 bata sa Pilipinas ang namamatay araw-araw dahil sa malnutrisyon kung saan 27 mula sa 1,000 bata ang hindi nakakaabot ng limang taong gulang.

Sa mensahe ni Pope Francis sa World Food Day noong 2019, ang hindi tamang nutrisyon ay hindi lamang bunga ng mga bagay na sobra, kun’di dahil sa kakulangang sanhi ng hindi patas na access sa pagkain lalo na sa mga mahihirap na sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 217,470 total reads

 217,470 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 252,143 total reads

 252,143 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 268,043 total reads

 268,043 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 304,533 total reads

 304,533 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 310,235 total reads

 310,235 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 93,383 total reads

 93,383 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top