Tagumpay ng 126th CBCP plenary assembly, ipinagdarasal ng CMSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,951 total reads

Nagpaabot ng panalangin ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa nakatakdang 126th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ayon kay CMSP Executive Secretary Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm. mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Espiritu Santo para sa nakatakdang pagpupulong ng kalipunan ng mga Obispo sa bansa.

Paliwanag ng Pari, mahalaga ang gabay ng Banal na Espiritu sa mga Obispo na nagsisilbing pastol sa kawan ng Panginoon upang ganap na mapagnilayan, matalakay at mapagdesisyunan ang mga usaping dapat na tutukan at bigyang pansin ng Simbahan.

“Being our shepherds they are having their retreat now in [Diocese of] Kalibo and soon they will start the 126th Plenary Assembly ng Bishops of the Philippines my message for all our elders, our bishops is that may the Holy Spirit guide them and enlighten them and inspire them as they do their plenary assembly which is a time to discern, to discuss, to come up with a decisions that will impact the Church especially we are in the walking together in the spirit of synodality.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Buenafe sa Radio Veritas.

Inaasahang kabilang sa tatalakayin sa gaganaping pagpupulong ng kalipunan ng mga Obispo sa bansa ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa darating na Oktubre ngayong taon.

Nakatakda ang 126th Plenary Assembly ng CBCP sa Marzon Hotel sa Kalibo, Aklan mula ika-8 hanggang ika-10 ng Hulyo, 2023 sa ilalim ng pangangasiwa at paghahanda ng Diyosesis ng Kalibo.

Sa kasalukuyan binubuo ang CBCP ng 88 active bishops, dalawang diocesan priest-administrators at 37 honorary members na pawang mga retiradong Obispo mula sa iba’t ibang diyosesis.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 12,284 total reads

 12,284 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 12,411 total reads

 12,411 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 22,605 total reads

 22,605 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 79,011 total reads

 79,011 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 202,512 total reads

 202,512 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 286,748 total reads

 286,748 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top