Mamamayan, hinimok ng simbahan na makiisa sa pagbibigay ng wastong nutrisyon sa mahihirap na pamilya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,253 total reads

Hinimok ng Healthcare Commission ng simbahan ang bawat isa na makibahagi sa pagbibigay ng wastong nutrisyon sa mga mahihirap na pamilya lalo na sa mga kabataan.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care executive secretary Fr. Dan Cancino, MI, ito’y upang matugunan ang patuloy na kagutuman at malnutrisyon sa bansa na ang higit na apektado ay mga bata.

Sinabi ni Fr. Cancino na ang pagiging bukas ng puso’t kalooban ng bawat isa sa pagtulong ay malaking bagay na upang maipadama ang pagmamalasakit at pag-ibig ng Diyos sa mga higit na nangangailangan.

Ang mensahe ng pari ay kaugnay sa paggunita sa 2023 National Nutrition Month na may temang Healthy Diet gawing affordable for All.

“Sa palagay ko ang pagbibigay natin ng tamang pagkain, tamang nutrisyon sa mga bata ay ang pagpapahalaga rin ng pagkain hindi lang ng katawan pero ng puso at ng kaluluwa. Ito ay simbolo ng ating pag-ibig para sa mga minamahal ng ating Panginoong Diyos,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ni Fr. Cancino na ang pagdiriwang sa nutrition month ay hindi lamang para sa kalusugan ng katawan, kun’di para din sa pagpapabuti ng espiritwalidad.

Ayon sa opisyal ng CBCP, ang layuning tulungan ang mga dukha na maibsan ang pinagdaraanan tulad ng kagutuman ay napapanibago ang malalim na pakikipag-ugnayan sa Panginoong Diyos.

“Ang nutrition month din ay pagpapaigting ng spirit ng community kasi kapag tayo ay tumutulong lalong lalo na sa mga nagugutom, sa mga malnourished, kapag tayo ay umaabot sa kanila, napapalalim din natin at napapalakas yung communitarian spirit,” ayon kay fr. Cancino.

Kabilang sa mga programa ng simbahan ang HAPAGASA Integrated Nutrition Program ng Pondo ng Pinoy na layong maibsan ang kagutuman at malnutrisyon sa mga mahihirap na pamilya lalo na sa mga kabataan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Taong 2005 nang ilunsad ang HAPAGASA kung saan umabot na sa higit dalawang milyong mga bata ang natulungan upang makaahon mula sa malnutrisyon.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 12,264 total reads

 12,264 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 12,391 total reads

 12,391 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 22,577 total reads

 22,577 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 78,983 total reads

 78,983 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 202,484 total reads

 202,484 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 286,722 total reads

 286,722 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,427 total reads

 175,427 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top