Voter’s education module, ilulunsad ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,964 total views

Nakatakdang maglunsad ng voters education module ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) bilang bahagi ng mandato nito na gabayan ang mamamayan sa matalinong pagboto tuwing halalan.

Ayon kay PPCRV National Coordinator Dr. Arwin Serrano, layunin ng paglulunsad ng voter’s education module ng PPCRV na ipabatid sa lahat lalo’t higit sa mga volunteers ng organisasyon ang mga patuloy na hakbang na ginagawa ng pangunahing tagapagbantay ng Simbahan sa halalan sa bansa.

“Gusto lang naman na informed lang yung mga volunteers na meron ng ginagawa yung national na mga magiging mukha ng bagong voters education module…” Ang bahagi ng pahayag ni Serrano.

Ipinaliwanag ni Serrano na layunin ng nasabing voters education module na makapagbahagi ng mga kaalaman sa naaangkop at matalinong pakikibahagi ng bawat isa sa halalan hindi nalalapit na halalang pambarangay kundi maging sa 2025 Mid-term elections at 2028 National and Local Elections.

Pagbabahagi ni Serrano, matapos ang nakatakdang paglulunsad ng nasabing voters education module ay magsasagawa naman ang PPCRV ng mga serye ng trainors training sa buwan ng Setyembre upang ganap na maibahagi sa mga volunteers ang mga kaalaman at kasanayan na dapat taglayin ng bawat isa sa pagbabantay sa kabuuang proseso ng halalan sa bansa.

“Yung parang laman niya possibly ibibigay yung gist ng bawat isa, anim kasi yung ipipresent na module tapos parang lalagyan lang siya ng konting mukha kasi after launching ang mangyayari magsi-set-up kami sa September ng trainors training…” Dagdag pa ni Serrano.

Iginiit ni Serrano na layunin rin ng voters education module na magsilbing gabay sa paghuhubog ng mga kabataang makabayan at mulat sa kahalagahan ng demokrasya at halalan sa bansa.

Nakatakda ng paglulunsad ng PPCRV sa voters education module sa ika-5 ng Agosto, 2023 ganap na ala-una ng hapon sa Pope Pius the 12th Catholic Center, Manila kung saan inaasahan ang pagdalo ng ilang mga volunteers ng PPCRV mula sa iba’t ibang diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 5,694 total views

 5,694 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 33,699 total views

 33,699 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 51,499 total views

 51,499 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 51,273 total views

 51,273 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 163,535 total views

 163,535 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 15,189 total views

 15,189 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top