Cash aid ng Caritas Manila, natanggap na ng SAC Tuguegarao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,157 total reads

Naipadala na ng social arm ng Archdiocese of Manila ang paunang tulong para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Egay sa Cagayan.

Ayon kay Tuguegarao Social Action director Fr. Andy Semana, ang natanggap na P200,000 tulong mula sa Caritas Manila ay ilalaan sa recovery efforts para sa mga nagsilikas na pamilya.

Higit na naapektuhan ng kalamidad ang bayan ng Abulug na umabot sa higit 100 pamilya ang nagsilikas dulot ng pagbaha.

“Ang nabanggit sa akin ng parish priest ay kailangan ng hygiene kits at thermal kits. As in basang-basa raw ‘yung mga gamit ng mga residente doon, walang-wala daw po talagang na-save sa kanilang mga gamit,” pahayag ni Fr. Semana sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Semana, nalubog sa baha ang tahanan at kagamitan ng mga residente lalo na ng Barangay Dana-Ili.

Dalangin ng pari na matapos ang pananalasa ng Bagyong Egay ay hindi na magdulot pa ng pinsala ang binabantayang Bagyong Falcon na nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility.

“Hopefully, hindi malakas itong Bagyong Falcon. Konting ulan lang kasi doon sa Abulug talagang na-o-augment ‘yung baha doon sa kanila kasi isang part lang ‘yung humupa ang tubig,” ayon kay Fr. Semana.

Nagpapasalamat naman ang SAC Tuguegarao sa agarang pagtugon ng Caritas Manila para sa pangangailangan ng mga apektadong residente.

Batay sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot sa higit 8,000 pamilya o 27,000 indibidwal ang apektado ng Bagyong Egay sa Cagayan.

Huli namang namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Service Administration (PAGASA) ang Bagyong Falcon sa silangang bahagi ng Central Luzon at kumikilos pa-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 34,264 total reads

 34,264 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 56,463 total reads

 56,463 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 92,963 total reads

 92,963 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 313,588 total reads

 313,588 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 346,235 total reads

 346,235 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 98,737 total reads

 98,737 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top