Employers, hinimok ng ILO at UNICEF na magtayo ng breastfeeding area sa lugar ng paggawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,346 total reads

Hinimok ng International Labour Organization (ILO) at United Nations Children Fund (UNICEF) ang mga employers na suportahan ang breastfeeding ng mga ina sa lugar ng paggawa.

Ang panawagan ay sa paggunita ngayong August 01 hanggang ika-7 ng Agosto ng World Breastfeeding Week na layuning maging malusog ang mga ina higit na ang mga sanggol sa kanilang paglaki.

Ayon kay Khalid Hassan – ILO Philippines Country Director, ang panawagan ay upang mapaigting ang kampanya para magkaroon breastfeeding area para sa mga kababaihang manggagawa.

““Maternity protection to support exclusive and continued breastfeeding is a universal but unfulfilled human and labour right. Paid and job-protected maternity leave and adequate maternal and child healthcare are essential to the life, health, safety and economic fulfilment of women and their children. However, discrimination based on maternity persists for many women in the Philippines and across the world,” ayon sa mensahe ni Hassan na ipinadala ng ILO-Philippines sa Radio Veritas.

Paalala ng ILO at UNICED ang pagsunod ng mga employers sa Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009 kung saan kinakailangan sa mga kompanya ang pagkakaroon ng breastfeeding areas kung saan ligtas ding maiimbak ng mga ina ang kanilang gatas. .

sa tala ng ILO, matutulungan ng inisyatibo ang mga kababaihan na maayos na makapagtrabaho dahil umabot sa 2-milyong kababaihan ang kinailangan huminto sa pagtatrabaho sa buong mundo ng dahil sa pandemya.

““The benefits of breastfeeding for children, mothers, and society are widespread. Breastfeeding protects infants against life-threatening infections, supports healthy brain development in children, and prevents chronic childhood and maternal illness, reducing health care costs,” ayon naman sa mensahe ni Behzad Noubary – UNICEF Philippines Deputy Representative na ipinadala sa Radio Veritas.

Iginiit naman ng Department of Health ang mga benepisyo ng breastfeeding sa mga sanggol tulad ng pagkakaroon ng karagdagang proteksyon mula sa ibat-ibang uri ng sakit, nakakatulong din sa maayos na paglaki ng mga sanggol sa parehong pisikal at mental na aspeto.

Sa bahagi naman ng mga ina, bukod sa pagtitipid at higit na pagkakaroon ng malalim na ugnayan sa kanilang mga anak ay nakakatulong ang breastfeeding upang hindi magkaroon ng breast cancer, postpartum hemorrhage, ovarian cancer at iba pang uri ng sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 214,228 total reads

 214,228 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 248,901 total reads

 248,901 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 264,801 total reads

 264,801 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 301,291 total reads

 301,291 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 307,176 total reads

 307,176 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top