Maging “influencer” ni Hesus sa digital world, panawagan ni Cardinal Tagle sa kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,388 total reads

Ito ang panawagan ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect of the Dicastery for Evangelization sa delegasyon ng mga kabataang Filipino sa nagaganap na World Youth Day 2023 sa Lisbon, Portugal.

Sa misang pinangunahan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth Chairman Daet Bishop Rex Andrew Alarcon para sa mga Filipinong delegasyon ay ibinahagi ng Cardinal na ang digital world ay isang malawak at pambihirang daigdig kung saan ang lahat ay maituturing na naninirahan kaya’t marapat lamang na palaganapin din dito ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pag-impluwensya ng katotohanan, katarungan, at pagiging taga-pangalaga ng kalikasan at kapwa nilalang.

“Lahat tayo inhabitants, resident ng digital world, that is a world that is heavily populated and all of us inhabit that world. Please dear young people of the Philippines spread the influence of Jesus, the influence of truth, justice, caring for the earth, caring for fellow human beings, spread this influence in the world of social media.” Ang bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.

Tinukoy ng Cardinal ang paglaganap ng mga tinaguriang ‘influencer’ sa makabagong panahon na ginagamit ang social media, internet at digital world sa pagpapalaganap ng iba’t ibang mga ideya at kasanayan sa mas nakararami.

Iginiit ni Cardinal Tagle na higit na mas magiging epektibong ‘influencer’ ang isang indibidwal kung ang impluwensya ni Hesus at ng Salita ng Diyos ang ipapalaganap at ibabahagi sa pamamagitan ng makabagong paraan ng pakikipagkumunikasyon sa digital world.

“We hope as influencers inspired by the Gospel, we will allow Jesus to influence us. Kung influencer ka tanungin mo ‘ano ba ang nakaka-influence sa iyo’ baka ginagamit ka lang nung nag-iinfluence sayo kaya dino-duplicate mo lang yung impluwensya ng iba, but if the one influencing you is Jesus and the Gospel, go right ahead influence other people through this social media which is a world in itself.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Sa tala ng CBCP – Episcopal Commission on Youth, aabot sa 1,500 hanggang 2,000 ang bilang ng mga Filipinong kabataang delegasyon ng Pilipinas sa World Youth Day 2023 na nagaganap sa Lisbon, Portugal.

Kabilang sa pangunahaing gawain sa isang linggong Pandaigdigang Pagtitipon ng mga Kabataan ang First World Meeting of Digital Evangelizers and Missionaries mula sa iba’t ibang mga bansa na layuning isulong ang paggamit ng makabagong pamamaraan sa pagsusulong ng ebanghelisasyon.(reyn)

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 35,254 total reads

 35,254 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 75,103 total reads

 75,103 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 181,981 total reads

 181,981 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 226,646 total reads

 226,646 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 247,003 total reads

 247,003 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top