Father of Modern Philippine sculpture, ginawaran ng Titus Brandsma Lifetime Achievement award

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,583 total views

Binigyang pagkilala ng Philippine Carmelite Province of St. Titus Brandsma ang namayapang National Artist for Sculpture na si Prof. Napoleon “Billy” Veloso Abueva na kilala rin bilang “Father of Modern Philippine Sculpture”.

Iginawad sa namayapang Pambansang Alagad ng Sining ang Titus Brandsma Lifetime Achievement Award (Posthumous) sa pamamagitan ng kanyang anak na si Ms. Amihan Abueva na tumanggap ng pagkilala.

Ayon kay Rev. Rico P. Ponce, O.Carm. – Prior Provincial ng Order of Carmelites Philippine Province of St. Titus Brandsma, ang Titus Brandsma Lifetime Achievement Award kay Prof. Abueva ay pagkilala sa pakikiisa at pagsasabuhay nito sa paninindigan ni St. Titus Brandsma na pagtataguyod ng karapatang pantao at katotohanan sa lipunan.

“Ang award na ito ay napakahalaga po, unang una kinikilala natin si Prof. Abueva na kaisa sa hangarin at layunin ni St. Titus Brandsma para sa pagtaguyod ng karapatang pantao at si Prof. Abueva ay napakalapit na kaibigan sa Carmelites at kami ay naniniwala na siya ay kaisa din sa mga hangarin ni St. Titus… Kaya sa pagbigay ng award na ito ay kinikilala natin na maging inspirasyon din sa mga Filipino na tumayo at manindigan para sa karapatang pantao at para sa katotohanan.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Ponce.

Si Abueva ay tubong Tagbilaran Bohol at nagtapos sa UP College of Fine Arts na hinasa rin ng isa pang National Artist at iskultor ng Oblation na si Guillermo Tolentino.

Taong 1976 ng kinilala si Abueva bilang National Artist for Sculpture in the field of Visual Arts sa edad na 46-na taong gulang na pinakabatang kinilalang National Artist sa bansa.

Kabilang sa mga pangunahing likhang sining ni Abueva ang UP Gateway (1967), Nine Muses (1994) na matatagpuan sa UP Diliman Faculty Center, Celebration of Life sa UP Manila campus, Sunburst (1994) sa Peninsula Manila Hotel, ang bronze figure ni Teodoro M. Kalaw na nasa harap ng National Library, at mural na gawa sa marmol ng National Heroes Shrine, Mt. Samat, Bataan.

Likhang sining din ni Abueva ang Blood Compact Monument sa Bohol at ang disenyo ng mga door handles sa lahat ng National Museum galleries.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 50,903 total views

 50,903 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 64,480 total views

 64,480 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 93,044 total views

 93,044 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 141,581 total views

 141,581 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 133,520 total views

 133,520 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top