Paalabin ang pananalangin kay San Roque, paanyaya ni Bishop Santos sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,398 total reads

Hindi pababayaan ng Panginoon ang sanlibutan mula sa anumang uri ng sakit at pandemya.

Ito ang mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa paggunita ng kapistahan ni San Roque tuwing August 16.

Ayon sa Obispo, sa pamamagitan ng Santo ay nahilom ang buong mundo mula sa suliranin ng COVID-19 pandemic.

“Sa pamamagitan ng aso na nagdadala ng pagkaing tinapay ka San Roque, ang Diyos ay magpapakilos upang ipadama na Siya ay hindi nagpapabaya. Ang Diyos ay hindi nang-iiwan, hindi Niya tayo tatalikuran, at sa oras ng ating pangangailangan ang Diyos ay naroroon upang tayo ay tulungan, ginawa niya ito kay San Roque, at tiyak na gagawin din Niya ito sa atin,” ayon sa pagninilay ni Bishop Santos.

Panghihimok ng Obispo sa mga mananampalataya ang pagpapaigting ng pananalangin sa Diyos sa anumang suliranin na maranasan higit na ang mga suliraning pangkalusugan.

Kasabay ito ng pinaigting na pananalangin kay San Roque upang patuloy na ipag-adya ang sanlibutan mula sa anumang banta ng sakit.

“Hindi tayo ang magpapahamak ng iba, hindi tayo ang magiging daan ng kanilang pagkadapa, hindi tayo ang magiging dahilan ng kanilang pagkakasala. Nanaisin pa natin na tayo na ang masaktan, kaysa tayo pa ang makasakit, gugustuhin pa natin na tayo ang lumuha kaysa tayo ang magiging sanhi ng kanilang pagdurusa,” ayon pa sa mensahe ng Obispo.

Si San Roque ay ang patron laban sa mga salot at pandemya na buong pusong ini-alay ang buhay sa paglilingkod sa kapwa at sa Diyos sa kabila ng paghihirap na dinaranas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,606 total reads

 47,606 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,366 total reads

 127,366 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,813 total reads

 160,813 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,111 total reads

 196,111 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,812 total reads

 420,812 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top