Pang-aabuso sa kapangyarihan, itinuturing ng opisyal ng CBCP na sistematikong problema ng PNP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,833 total reads

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ‘systemic’ o sistematiko ang problema ng pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga alagad ng batas ng bansa.

Ito ang ibinahagi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David- pangulo ng kalipunan ng mga Obispo sa bansa, kaugnay sa mga insidente ng karahasan na kinasasangkutan ng mga alagad ng batas sa mga nakalipas na linggo.
Partikular na tinukoy ng Obispo sa kanyang Facebook post ang pinakahuling kaso ng panunutok ng baril ng isang dating pulis sa isang siklista na nakaalitan sa lansangan sa Quezon City.

Ayon kay Bishop David, ang mga serye ng pang-aabuso sa posisyon at kapangyarian ng mga pulis ay maituturing na sumasalamin sa sistematikong suliranin na dapat na matugunan sa hanay ng mga alagad ng batas sa bansa.
“The string of recent events pertaining to police officers abusing their authority in the past few weeks could be indicative of the fact that the problem is “systemic”.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop David.

Una nang nanawagan si Bishop David sa mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na gampanan ang kanilang mandato bilang alagad ng batas at tagapagtanggol ng mamamayan sa lipunan.
Giit ng Obispo, ang mga pulis ay mga alagad lamang ng batas na dapat na tupdin ang kanilang mandato bilang tagapag-ingat, at tagapagligtas ng buhay ng mamamayan.

“Mga kapatid na pulis hindi kayo ang batas, mga alagad lang kayo ng batas, hindi kayo inatasan, binihisan ng uniporme, inarmasan at binabayaran mula sa buwis ng bayan para pumatay kundi para magsilbi bilang aming mga tagapagtanggol, tagapag-ingat, at tagapagligtas ng buhay ng mga mamamayan na inyong pinaglilingkuran.” Una ng binigyang diin ni Bishop David.

Pahalagahan ang buhay ng tao, panawagan ni Bishop David sa PNP


Nasasaad sa Encyclical ni Pope John the 23rd noong 1961 na MATER ET MAGISTRA on Christianity and Social Progress na bahagi ng tungkulin ng estado ang protektahan ang kapakanan at isulong ang mga karapatan ng lahat ng mamamayan partikular na ang itinuturing na mahihinang kasapi ng lipunan kabilang na ang mga mahihirap, matatanda mga bata at maging ang mga kababaihan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 176,129 total reads

 176,129 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 205,451 total reads

 205,451 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 239,576 total reads

 239,576 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 295,980 total reads

 295,980 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 40,594 total reads

 40,594 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top