Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pang-aabuso sa kapangyarihan, itinuturing ng opisyal ng CBCP na sistematikong problema ng PNP

SHARE THE TRUTH

 2,887 total views

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ‘systemic’ o sistematiko ang problema ng pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga alagad ng batas ng bansa.

Ito ang ibinahagi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David- pangulo ng kalipunan ng mga Obispo sa bansa, kaugnay sa mga insidente ng karahasan na kinasasangkutan ng mga alagad ng batas sa mga nakalipas na linggo.
Partikular na tinukoy ng Obispo sa kanyang Facebook post ang pinakahuling kaso ng panunutok ng baril ng isang dating pulis sa isang siklista na nakaalitan sa lansangan sa Quezon City.

Ayon kay Bishop David, ang mga serye ng pang-aabuso sa posisyon at kapangyarian ng mga pulis ay maituturing na sumasalamin sa sistematikong suliranin na dapat na matugunan sa hanay ng mga alagad ng batas sa bansa.
“The string of recent events pertaining to police officers abusing their authority in the past few weeks could be indicative of the fact that the problem is “systemic”.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop David.

Una nang nanawagan si Bishop David sa mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na gampanan ang kanilang mandato bilang alagad ng batas at tagapagtanggol ng mamamayan sa lipunan.
Giit ng Obispo, ang mga pulis ay mga alagad lamang ng batas na dapat na tupdin ang kanilang mandato bilang tagapag-ingat, at tagapagligtas ng buhay ng mamamayan.

“Mga kapatid na pulis hindi kayo ang batas, mga alagad lang kayo ng batas, hindi kayo inatasan, binihisan ng uniporme, inarmasan at binabayaran mula sa buwis ng bayan para pumatay kundi para magsilbi bilang aming mga tagapagtanggol, tagapag-ingat, at tagapagligtas ng buhay ng mga mamamayan na inyong pinaglilingkuran.” Una ng binigyang diin ni Bishop David.

Pahalagahan ang buhay ng tao, panawagan ni Bishop David sa PNP


Nasasaad sa Encyclical ni Pope John the 23rd noong 1961 na MATER ET MAGISTRA on Christianity and Social Progress na bahagi ng tungkulin ng estado ang protektahan ang kapakanan at isulong ang mga karapatan ng lahat ng mamamayan partikular na ang itinuturing na mahihinang kasapi ng lipunan kabilang na ang mga mahihirap, matatanda mga bata at maging ang mga kababaihan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 10,027 total views

 10,027 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 25,104 total views

 25,104 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 31,075 total views

 31,075 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 35,258 total views

 35,258 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 44,541 total views

 44,541 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

MAGPAS, simula ng paghahanda ng Archdiocese of Manila sa Jubilee year 2025

 469 total views

 469 total views Inilaan ng Archdiocese of Manila sa paghahanda sa nakatakdang Jubilee Year 2025 ang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa susunod na buwan ng Nobyembre 2024. Sa sirkular ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ay inihayag ng Arsobispo ang paglalaan ng MAGPAS para sa pagbabahagi ng katesismo bilang paghahanda sa nakatakdang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SOAP project, muling inilunsad ng PJPS

 2,187 total views

 2,187 total views Muling inilunsad ng Philippine Jesuit Prison Service ang Simple Offering of Affection for Persons Deprived of Liberty o S.O.A.P Project bilang bahagi ng paggunita sa 37th Prison Awareness Week ngayong taon. Layunin ng proyekto na makapangalap ng sapat na pondo upang makapagkaloob ng mga hygiene kits partikular ng mga sabong pampaligo, panlaba at

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CHR, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng OFW na binitay sa KSA

 3,240 total views

 3,240 total views Nagpahayag ng pakikiramay ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga naiwang pamilya ng Pilipinong binitay sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA). Kaugnay nito, mariing nanawagan ang Komisyon ng Karapatang Pantao na pinangangasiwaan ni CHR Chairperson Richard Paat Palpal-latoc sa pamahalaan na higit pang paigtingin ang pagsusumikap na matiyak ang kapakanan at kaligtasan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CADP, muling nanindigan sa death penalty

 3,344 total views

 3,344 total views Muling binigyang diin ng Coalition Against Death Penalty (CADP) ang panawagan sa pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay sa gitna ng patuloy na pag-iral ng parusang kamatayan o capital punishment sa iba’t ibang bansa. Ito ang muling panawagan ni CADP President Karen Lucia Gomez-Dumpit sa paggunita ng World Day Against the Death Penalty

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Huwag magpasilaw sa popularidad ng sinumang kandidato.

 4,517 total views

 4,517 total views Ito ang bahagi ng panawagan sa publiko ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity matapos ang walong araw na paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga naghahangad na kumandidato para sa 2025 Midterm Elections. Ayon kay Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Bro. Francisco Xavier Padilla, bilang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

NHCP, nagpaabot ng pagbati sa Cardinal-designate David

 3,637 total views

 3,637 total views Nagpahayag ng pagbati ang National Historical Commission of the Philippines sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng Simbahan. Ayon sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, bilang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan at Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naging

Read More »

NHCP, nagpaabot ng pagbati sa Cardinal-designate David

 3,637 total views

 3,637 total views agpahayag ng pagbati ang National Historical Commission of the Philippines sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng Simbahan. Ayon sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, bilang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan at Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naging

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pagtatalaga sa pangulo ng CBCP bilang Cardinal ay pagsasabuhay ng simbahang sinodal-de Villa

 4,402 total views

 4,402 total views Naniniwala ang dating kinatawan ng Pilipinas sa Vatican na ang pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ay isang ganap na pagsasabuhay sa pagkakaroon ng Simbahang sinodal. Ayon kay former Ambassador to the Holy See Henrietta De Villa, ang pagkakatalaga kay Cardinal-elect David bilang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagpaabot ng pagbati kay Cardinal-elect David

 4,765 total views

 4,765 total views Nagpahayag ng pagbati ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng simbahan. Ayon kay LAIKO National President Bro. Francisco Xavier Padilla, lubos ang kagalakan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECPPC, nanawagan ng VIPS

 8,896 total views

 8,896 total views Inihayag na ng prison ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang tema ng 37th Prison Awareness Sunday ngayong taon. Inilaan ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa pagkilala sa kahalagahan ng mga Volunteer In Prison Service (VIPS) ang paggunita ng Prison Awareness Week ngayong taon kung saan napiling tema ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Simbahan, tiniyak ang pagiging kanlungan ng mga mananampalataya

 8,049 total views

 8,049 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng Simbahang Katolika saan mang panig ng mundo upang magsilbing kanlungan ng mga mananamapalataya lalo’t higit ng mga Pilipino na naghahanapbuhay at naninirahan sa ibayong dagat. Ito ang bahagi ng mensahe ni Novaliches Bishop Roberto Gaa

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Korte Suprema, pinuri ng CHR

 9,489 total views

 9,489 total views Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang pinakabagong desisyon ng Korte Suprema na nagbibigay diin na hindi na kinakailangan pa ng proof of resistance o patunayan ng mga biktima ng panggagahasa ang pagtutol sa mga kaso ng pang-aabuso o sexual assault sa pamamagitan ng puwersa, pagbabanta, o pananakot. Ayon sa komisyon na

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Certificate of restoration ng Divino Rostro, tinanggap ni Archbishop Alarcon mula sa NHCP

 8,114 total views

 8,114 total views Pinangunahan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang paglagda at pagtanggap ng certificates of transfer and acceptance sa restoration project ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa orihinal na 142-year old icon ng Divino Rostro o Holy Face of Jesus. Isinagawa ang turn-over ceremony noong September 28, sa Minor Basilica of

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Libreng entrance exam fee sa kolehiyo, pinuri ng CHR: Mas malawak na scholarship program, iminungkahi

 9,670 total views

 9,670 total views Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) sa naisabatas na Republic Act No. 12006 o tinatawag din na “Free College Entrance Examination Act” na naglalayong gawing libre ang college entrance examination sa mga pribadong higher educational institutions (HEIs) para sa mga kuwalipikadong mag-aaral. Ayon sa komisyon, malaking tulong para sa bawat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Paalala ng Obispo sa mga nagnanais na maging opisyal ng bansa: “We are merely their servants”

 9,923 total views

 9,923 total views Pinaalalahanan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga naghahangad na kumandidato sa nalalapit na halalan na magsilbing tunay na tagapaglingkod o ‘servant’ gaya ng mga lingkod ng simbahan na tagapaglingkod ng Diyos at ng kanyang kawan. Ito ang bahagi ng mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – CBCP

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top