Radio Veritas Marian exhibit 2023, matutunghayan sa Fisher Mall

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,872 total reads

Inaanyayahan ng Radio Veritas ang mananampalataya sa Marian Exhibit bilang paghahanda sa kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria sa September 8.

Ayon kay Religious Department head Renee Jose, layunin ng exhibit na mas maipalaganap ang debosyon ng Birheng Maria sa pamayanan.

“This Marian exhibit aims to spread the devotion of the Blessed Virgin Mary and is part of our evangelization efforts, especially since the venue is inside the mall where mallgoers can visit and have time to know more about our Mother,” pahayag ni Jose sa Radio Veritas.

Bubuksan ang Marian exhibit sa August 30 ganap na alas- 10 ng umaga sa activity center ng Fisher Mall sa Quezon City.

Pangungunahan ni Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual ang pagbabasbas at opsiyal na pagbukas ng exhibit na magtatagal hanggang September 8 sa Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria.

Ibinahagi ni Jose na humigit kumulang sa 70 imahe ng Mahal na Birhen ang itatampok sa exhibit kabilang na ang Our Lady of Veritas.

Ang exhibit ay sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng Fisher Mall at pakikiisa sa kristiyanong pamayanan sa paggunita ng kapanganakan ng Mahal na Ina.

Sa mga nais magpaabot ng kanilang love offerings at mass donations sa exhibit maipag-ugnayan kay Jose sa cellphone number 0917-6314589.

Ang Pilipinas ay tinaguriang Pueblo Amante de Maria o bayang namimintuho sa Mahal na Birhen kung saan pinararangalan ng mga Pilipino ang babaeng nagluwal kay Hesus ang manunubos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 29,793 total reads

 29,793 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 63,462 total reads

 63,462 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 99,944 total reads

 99,944 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 118,157 total reads

 118,157 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 200,879 total reads

 200,879 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top