Taumbayan, hinimok ng SLP na magpaabot ng tulong sa Maui fire

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,035 total reads

Hinihikayat ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang lahat na tumulong at magpaabot ng pakikiisa sa mga biktima ng malawakang wildfires sa Lahaina, Maui, Hawaii.

Ayon kay Laiko National President Raymond Daniel Cruz Jr. lubos na kinakailangan ng mga mamamayan ang tulong at suporta matapos na matupok ang kanilang mga tahanan sa malakawang sunog na naganap sa isla.

Paliwanag ni Cruz, ang mga Pilipino ang ikalawang may pinakamadaming populasyon sa Lahaina kung saan bagamat marami ding problema na dapat na tugunan dito sa bansa ay hindi naman dapat na ipagsawalang bahala ang kalagayan ng mga kapwa Pilipino sa ibang bansa.

Pagbabahagi ni Cruz, kasalukuyan ng pinaghahandaan ng mga Pilipinong Katoliko sa Maria Lanakila Church sa isla ang pagtulong sa mga naapektuhan ng malawakang wildfires na tumupok din sa maraming mga kabahayan at ari-arian.

Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA) may tinatayang 25,000 ang bilang ng mga Filipino-Americans sa Maui na katumbas ng 17-porsyento ng populasyon sa isla.

Sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong maaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa Laiko Bldg. 372 Cabildo St. Intramuros, Manila o kaya naman ay hanapin si Joseph Jesalva sa numero bilang 2527-5388.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 29,812 total reads

 29,812 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 63,481 total reads

 63,481 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 99,963 total reads

 99,963 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 118,176 total reads

 118,176 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 200,897 total reads

 200,897 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top