Radio Veritas Marian exhibit 2023, matutunghayan sa Fisher Mall

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,929 total reads

Inaanyayahan ng Radio Veritas ang mananampalataya sa Marian Exhibit bilang paghahanda sa kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria sa September 8.

Ayon kay Religious Department head Renee Jose, layunin ng exhibit na mas maipalaganap ang debosyon ng Birheng Maria sa pamayanan.

“This Marian exhibit aims to spread the devotion of the Blessed Virgin Mary and is part of our evangelization efforts, especially since the venue is inside the mall where mallgoers can visit and have time to know more about our Mother,” pahayag ni Jose sa Radio Veritas.

Bubuksan ang Marian exhibit sa August 30 ganap na alas- 10 ng umaga sa activity center ng Fisher Mall sa Quezon City.

Pangungunahan ni Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual ang pagbabasbas at opsiyal na pagbukas ng exhibit na magtatagal hanggang September 8 sa Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria.

Ibinahagi ni Jose na humigit kumulang sa 70 imahe ng Mahal na Birhen ang itatampok sa exhibit kabilang na ang Our Lady of Veritas.

Ang exhibit ay sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng Fisher Mall at pakikiisa sa kristiyanong pamayanan sa paggunita ng kapanganakan ng Mahal na Ina.

Sa mga nais magpaabot ng kanilang love offerings at mass donations sa exhibit maipag-ugnayan kay Jose sa cellphone number 0917-6314589.

Ang Pilipinas ay tinaguriang Pueblo Amante de Maria o bayang namimintuho sa Mahal na Birhen kung saan pinararangalan ng mga Pilipino ang babaeng nagluwal kay Hesus ang manunubos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 112,175 total reads

 112,175 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 188,376 total reads

 188,376 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 221,824 total reads

 221,824 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 257,123 total reads

 257,123 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 479,240 total reads

 479,240 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top