Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo, nanawagan sa administrasyong Marcos ng rehabilitasyon sa mga nasirang paaralan

SHARE THE TRUTH

 2,201 total views

Nanawagan sa pamahalaan si Taytay Palawang Bishop Broderick Pabillo na bigyang pansin ang paaralang binabaha at nasira ng pananalasa ng mga natural na kalamidad sa Pilipinas.

Ito ay bilang paghahanda sa pagsisimula ng School Year 2023-2024 sa August 29 sa mga pampublikong paaralan.

Pinakikilos din ni Bishop Pabillo ang pamahalaan na tugunan ang kakulangan ng mga maayos na evacuation centers sa Pilipinas upang hindi magamit ang mga paaralan sa tuwing may kalamidad.

“Sa wakas magbubukas na ang mga klase sa mga public schools natin pero ang nakakalungkot may iba pang mga lugar na hindi pa handa lalung-lalu na yung mga binaha at saka yung mga ginagawang evacuation centers sana po mahanapan ng solusyon ng pamahalaan at lalung-lalu na ang mga eskwelahan na binabaha at nagiging evacuation center tuwing may mga disasters.” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas

Mensahe naman ng Obispo para sa mga mag-aaral, guro at kawani ang kahandaan sa pagtuturo, pakikinig at paggalang sa mga estudyante para sa pagtatagumpay ng school year 2023-2024.

Sa datos, noong nakalipas na taon ng pag-aaral, umabot sa 91-libong mga classrooms ang kulang sa mga paaralan upang punan ang 35-bilang na estudyante sa bawat silid paaralan.

Inaasahan naman ng Department of Education sa bagong taon ng pag-aaral na makamit o mahigitan ang 28-milyong bilang ng mga enrollees noong School Year 2022-2023.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 15,984 total views

 15,984 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 24,652 total views

 24,652 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 32,832 total views

 32,832 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 28,829 total views

 28,829 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 40,880 total views

 40,880 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 9,431 total views

 9,431 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 7,942 total views

 7,942 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top