Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 2,656 total views

Nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan, kapanalig. Napakarami ng mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napa-importante na hindi myopic ang ating pananaw ukol dito – lawakan natin ang ating perspektibo upang ating makita ang mga suliranin sa sektor.

Ayon sa isang pagsusuri ng Philippine Business for Education (PBeD), may education crisis ang bayan at isa sa mga pangunahing hamon na kailangan harapin ay ang hindi pantay na access sa pormal na edukasyon.  Ayon sa datos nito, mga 82.4% ng mga Pilipinong edad 25 ang nagsabing nakatapos na sila ng primary education, pero 30.5% lamang ang nakatapos ng high school at 24.4% lamang ang nakakatapos ng kolehiyo. Makikita rin na ang mga may kaya ang may access sa edukasyon dahil 49% ng mga mayayaman ay nakaka-pasok ng kolehiyo, pero 17% lamang sa mga mahihirap.

Maliban sa access, problema pa rin ang kalidad. Mababa ang ating mga scores sa mga international proficiency tests. Kulelat tayo sa mga reading and comprehension pati sa math at science assessments ng Program for International Student Assessment (PISA).

Maliban sa kalidad at access, ang pinaka-matinding problema sa sektor ngayon ayon sa PBeD ay ang mental health hindi lamang para sa mga estudyante kundi pati sa mga teachers, ang kakulangan ng suporta para sa mga guro, at ang mass promotion ng mga estudyante o pagpasa ng mga estudyante sa susunod na lebel kahit pa palyado ang mga grado nito. Ang huling problema na ito ay napaka-laki ng epekto – ito ang isa mga dahilan kung bakit marami sa ating mga mag-aaral, kahit na sa mataas na antas na, ay hindi pa rin hasa sa pagbabasa pati sa simpleng math operations.

Hindi natin malalampasan ang krisis kung hindi natin tatanggapin at aaminin ang mga suliraning ito. Kapanalig, hindi lamang pasilidad o imprastraktura ang problema ng education sector – ang mismong proseso ng pagtuturo at ang mga pinagdaanang hamon ng mga teacher at estudyante hindi lamang sa pandemya kundi sa kahirapan sa buhay, ay mga matitingkad na isyu na kailangan nating tutukan.

Kapanalig, ang tagal na isyu na ang mga ito, at lahat sila ay naging hadlang hindi lamang sa pagsulong ng edukasyon sa bayan, kundi sa pagsulong ng panlipunang katarungan. Ang patuloy na pagpapabaya sa mga isyung ito ay lalong nagpapahirap pa sa mga maralita. Nagpapakita rin ito ng ating pagkukulang bilang isang lipunan. Ayon nga sa Economic Justice for all: The way society responds to the needs of the poor through its public policies is the litmus test of its justice or injustice.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 15,533 total views

 15,533 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 24,201 total views

 24,201 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 32,381 total views

 32,381 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 28,380 total views

 28,380 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 40,431 total views

 40,431 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 15,534 total views

 15,534 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Functional Literacy Crisis

 24,202 total views

 24,202 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 32,382 total views

 32,382 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kinabukasan

 28,381 total views

 28,381 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 40,432 total views

 40,432 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 55,629 total views

 55,629 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 84,634 total views

 84,634 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 105,198 total views

 105,198 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 87,123 total views

 87,123 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,904 total views

 97,904 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,960 total views

 108,960 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,822 total views

 72,822 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 61,251 total views

 61,251 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 61,473 total views

 61,473 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 54,175 total views

 54,175 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top