Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

NDRRMC, binalaan ang publiko sa banta ng bagyong Hanna

SHARE THE TRUTH

 3,274 total views

Umabot na sa higit 19-libong pamilya ang apektado ng bagyong Goring na huling namataan sa silangang bahagi ng Aparri, Cagayan.

Batay sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), higit 63-libong indibidwal ang naapektuhan ng sama ng panahon, kung saan halos 25-libong indibidwal ang nananatili sa 154 evacuation centers.

Ayon kay Office of Civil Defense administrator at NDRRMC executive director Undersecretary Ariel Nepomuceno, patuloy na nakikipag-ugnayan ang OCD sa Regional DRRM offices at iba pang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang paghahatid ng tulong sa mga apektado ng bagyo.

“On the part of OCD, as the executive arm of the NDRRMC, we continue to monitor the situation and coordinate response operations. We have activated the emergency preparedness and response or the EPR protocols in various regions. These are prescribed measures that need to be taken in the areas. Also, the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)’s response clusters, led by different agencies, were activated.” ayon kay Nepomuceno.

Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang nasawi ang NDRRMC mula sa pananalasa ng bagyong Goring.

Patuloy na pinapaalalahanan ng ahensya ang publiko na manatiling handa sa anumang panganib, at sundin ang mga babala at abiso mula sa mga kinauukulan hinggil sa bagyo.

Batay sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang hapon o gabi ng Huwebes ay lalabas na ng PAR ang Bagyong Goring, habang binabantayan din ang isa pang sama ng panahon na may international name na Haikui, at tatawaging bagyong Hanna kapag pumasok na ng PAR bukas ng hapon.

Katuwang naman ng NDRRMC ang mga Diocesan Social Action Centers ng Northern Luzon para sa mabilis na pagtugon sa mga apektado ng bagyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 20,451 total views

 20,451 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 28,551 total views

 28,551 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 46,518 total views

 46,518 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 75,646 total views

 75,646 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 96,223 total views

 96,223 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 8,650 total views

 8,650 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,937 total views

 9,937 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 15,340 total views

 15,340 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 17,324 total views

 17,324 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top