Quasi Parish of Saint Pedro Calungsod, itinatag ng Diocese of Legazpi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,334 total reads

Itinatag ng Diocese of Legazpi ang Quasi Parish of Saint Pedro Calungsod sa Bascaran, Daraga Albay.

Sa Decree of Canonical Establishment ni Bishop Joel Baylon layunin ng pagtatag ng quasi parish na mas higit mapalago ang pangangalaga at pagpapastol sa nasasakupang mananampalataya.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang sa ika – 250 anibersaryo ng pagkatatag ng Parish of Our Lady of Gate sa Daraga Albay.

Nais ihiwalay ng obispo ang mga Barangay ng Bascaran, Alobo, Burgos, Gapo, Inarado, Kinawitan, Mabini, Tabon-Tabon, at Talahib sa Our Lady of Gate tanda ng pagpapalawak ng misyon ng diyosesis.

Gayunpaman inatasan ni Bishop Baylon ang Our Lady of Gate bilang Mother Parish na gabayan ang paghuhubog sa Quasi Parish of Saint Pedro Calungsod kasabay ng panawagan sa nasasakupang mananampalataya na magkaisa at magtulungan.

“The faithful within the territory of the Mother Parish are called upon in their Christian duty to offer their unwavering support and cooperation. They are encouraged to assist their Quasi-Parish with their offerings and active participation, nurturing it into a true Christian community.” bahagi ng mensahe ni Bishop Baylon.

Sa loob ng 250 taon ng simbahan ng Daraga Albay ilan sa mga naging parokya nito ang Parish of Our Lady of Salvation sa Anislag na itinatag noong May 15, 1970, Parish of Our Lady of the Assumption sa Malabog noong November 25, 1979; at Parish of San Ramon Nonato sa Tagas noong August 31, 2019.

Magiging epektibo ang quasi parish sa September 10 kung saan pinahihintulutan nito ang pangangalaga ng Banal na Sakramento, pagkakaroon ng baptismal font, paggawad ng mga sakramento, pangangasiwa ng canonical books gayundin ang book of inventories.

Ayon sa tala ng Catholic Hierarchy noong 2021 nasa 49 ang mga parokya sa Diocese of Legazpi na may halos isa punto limang milyong katoliko kung saan katuwang ni Bishop Baylon sa pagpapastol ang mahigit 100 mga pari.

 

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 25,298 total reads

 25,298 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 59,287 total reads

 59,287 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 95,770 total reads

 95,770 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 113,982 total reads

 113,982 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 196,967 total reads

 196,967 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top