Nagbitiw na undersecretary ng DOF, pinuri ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,673 total views

Nagpahayag ng suporta ang Alyansa Tigil Mina kay Finance Undersecretary Cielo Magno para sa kanyang matatag na paninindigan hinggil sa mga patakaran sa pananalapi ng bansa.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, ang pagbibitiw ni Magno bilang opisyal ng Department of Finance ay inaasahan na rin dahil sa kanyang paninindigan para sa pagkakaroon ng malinaw at maayos na pamamahala.

Kabilang na rito ang pagsusulong na taasan ang buwis sa industriya ng pagmimina na taliwas sa mga layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

“Her advocacy for increased taxes on mining corporations was clearly inconsistent with the agenda of House Speaker Martin Romualdez and contributed to her unpopularity inside the government.” pahayag ni Garganera.

Ayon sa mga naunang ulat, sapilitang nagbitiw si Magno dahil sa kanyang hindi pagsang-ayon sa mandato ng administrasyon hinggil sa price ceiling sa bigas.

Samantala, hindi naman sang-ayon ang ATM sa pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na sinisiraan ni Magno ang pamahalaan, bagkus, ginagampanan lamang ng opisyal ang kanyang tungkulin bilang mabuting lingkod-bayan.

“We stand with Prof. Magno and wish her well in her endeavors as she continues to create change and make an impact working with various groups and individuals.  We thank her for her unadulterated service to the nation,” ayon sa grupo.

Ipagpapatuloy naman ni Magno ang kanyang pagiging associate professor sa University of the Philippines School of Economics pagkatapos ng kanyang panunungkulan sa pamahalaan.

Nakasaad sa Evangelii Gaudium ni Pope Francis ang kanyang panalangin na madagdagan pa ang mga pulitiko na tapat sa kanilang mga tungkulin at nakahandang tumugon para sa kabutihan ng mamamayan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 47,544 total views

 47,544 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 75,549 total views

 75,549 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 93,349 total views

 93,349 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 91,315 total views

 91,315 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 200,171 total views

 200,171 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 12,264 total views

 12,264 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top