Union of Bicol Clergy, itinakda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,532 total views

Muling magtitipon-tipon ang mga pari mula sa walong ecclesiastical jurisdictions ng Bicol region na nasa ilalim ng manto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na siyang patron ng Bicolandia.

Nakatakda ang Union of Bicol Clergy sa Holy Rosary Minor Seminary sa ika-12 hanggang ika-14 ng Setyembre, 2023 na may tema ngayong taon na ‘Deepening Our Regional Priestly Brotherhood with Ina.’

Ang Union of Bicol Clergy ay taunang pagtitipon ng mga pari ng Bicol region na layuning sama-samang manalangin, magkatipon at higit na mapalalim ang pagkakapatiran sa ilalim ng paggabay ng Mahal na Ina ng Peñafrancia.

“On September 12-14, 2023, the Bicol clergy will once again gather at the Holy Rosary Minor Seminary to give homage to the Queen of Bicolandia and to strengthen their Presbyteral camaraderie through prayers and sports and to discuss pertinent matters. As we prepare for this big event, let us pray for its success.” pahayag ng Union of Bicol Clergy (UBC).

Sa loob ng nasabing tatlong araw ay gugunitain at ipagdiriwang din ng mga pari ng walong ecclesiastical jurisdictions ng Bicol region ang kapistahan ng Nuestra Señora de Peñafrancia na itinuturing na “Reina del Bicol” o Queen of Bicolandia.

Bahagi din ng tatlong araw na pagtitipon ang aktibong pakikilahok ng mga pari sa mga larong pampaligsahan tulad ng basketball, lawn tennis at table tennis, kung saan noong nakalipas na taon ay naiuwi ng military priest mula sa Military Ordinariate of the Philippines ang UBC 2022 Overall Championship.

Kabilang sa walong ecclesiastical jurisdictions ng Bicol region ang Arkidiyosesis ng Caceres, mga Diyosesis ng Libmanan, Daet, Legazpi, Virac, Sorsogon at Masbate, kabilang na rin ang Military Ordinariate of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 25,730 total views

 25,730 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 75,744 total views

 75,744 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 71,613 total views

 71,613 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 107,329 total views

 107,329 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 114,475 total views

 114,475 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top