Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mababang ‘royalty rate’ sa mga minanahan, tinutulan

SHARE THE TRUTH

 1,338 total views

Mariing tinututulan ng advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagbabawas ng royalty rate sa pagmimina mula limang porsyento hanggang tatlong porsyento.

Ayon kay Caritas Philippines President at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang pagbabawas sa royalty rate na ipinapanukala ng kongreso ay malinaw na pagtataksil sa mamamayan, lalo na sa mga pamayanang apektado ng pagmimina.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na ang royalty shares ay dapat ibigay ng mga kumpanya ng pagmimina sa mga pamayanan bilang kabayaran sa mga pinsalang dulot ng minahan, sa halip na gamitin para sa pansariling kapakinabangan.

“The reduction of the royalty rate will only benefit the mining companies and their shareholders while leaving the communities to bear the brunt of the environmental and social costs of mining,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Babala naman ng obispo na ang pagbabawas sa royalty rate ay magiging pagsubok para panagutin ang malalaking mining companies sa pinsala sa kalikasan at pamayanan.

Sinabi ni Bishop Bagaforo, nakababahala na mas mapapadali nito ang pagpapahintulot upang lumago pa ang industriya ng pagmimina sa bansa dahil mababawasan ang mga susunding environmental regulations.

“With the lower royalty rate, mining companies are incentivized to comply less with environmental and social regulations. This will put the welfare of the communities and the ecosystems at risk,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Matagal nang naninindigan ang Caritas Philippines sa pagtutol sa operasyon ng pagmimina na sumisira sa likas na yaman ng bansa, at umaabuso sa karapatan ng mga apektadong pamayanan.

Naniniwala ang simbahan na maraming pamamaraan ang maituturing na ligtas tungo sa hangaring mapaunlad ang ekonomiya ng bansa, sa halip na patuloy na mamuhunan sa mga mapaminsalang proyekto.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 12,375 total views

 12,375 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 20,475 total views

 20,475 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 38,442 total views

 38,442 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 67,730 total views

 67,730 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 88,307 total views

 88,307 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 8,095 total views

 8,095 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,386 total views

 9,386 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,785 total views

 14,785 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,769 total views

 16,769 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top