Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkatalaga kay Cacdac bilang O-I-C ng DMW, sinuportahan ng CBCP-ECMIP

SHARE THE TRUTH

 2,091 total views

Kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang pagkakatalaga kay Hans Leo Cacdac bilang Officer-in-Charge ng Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos na siya ring vice-chairman ng CBCP-ECMI at CBCP Bishop Promoter ng Stella Maria Philippines, tiwala ang komisyon na magagampanan ni Cacdac ang tungkulin na pangasiwaan ang kagawaran.

“We, in the CBCP episcopal commission for the pastoral care of migrants and itinerant people, Stella Maris-Philippines, have known him as dedicated and devoted public servant, He thinks for wellbeing of migrants, speaks for their good and does for the welfare of OFWs land and sea based workers.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ito ay dahil may sapat na kasanayan at credentials si Cacdac na pamunuan ang kagawaran at pangalagaan ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers at Filipino Migrants na mga nasa ibayong dagat.

Ipinangako ni Bishop Santos ang suporta kay Cacdac upang maisulong at maprotektahanan ang kapakanan at kaligtasan ng mga OFW.

“We give our support and extend our hands to protect and promote the rights and dignity of our dear OFWs, and eventually we hope and pray that he would be the secretary of DMW.” ayon pa sa mensahe ni Bishop Santos.

Bago ang kaniyang kasalukuyang tungkulin ay una ng naging administrator si Cacdac ng Overseas Employment Administration and the Overseas Workers Welfare Administration at Executive Director ng Department of Labor and Employment – National Conciliation and Mediation Board and Agency

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 12,903 total views

 12,903 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 21,571 total views

 21,571 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 29,751 total views

 29,751 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 25,790 total views

 25,790 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 37,841 total views

 37,841 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 9,230 total views

 9,230 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 7,742 total views

 7,742 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top