Mamamayan, binalaan sa mapanganib na insecticides

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,560 total reads

Nagbabala ang BAN Toxics laban sa mga mapanganib na insecticides na ibinebenta sa Pasig Mega Market.

Ayon kay BAN Toxics Campaigner Thony Dizon, ang patuloy na pagbebenta ng mga ipinagbabawal na insecticides ay malinaw na paglabag ng mga tindahan sa mga umiiral na patakaran laban sa mga produktong may sangkap na kemikal.

Kabilang sa mga ilegal na produkto ay ang Baolilai Aerosol Insecticide, Butiki Water-Based Multi-Insect Killer, Big Bie Pai (bi pay) Aerosol Insecticide na nagkakahalaga ng P100 hanggang P120, habang ang Wawang High Quality Mosquito Coil naman ay ibinebenta sa halagang P20 kada kahon.
“We call the attention of store owners to pull-out on shelves the banned and prohibited insecticides,” ayon kay Dizon.

Batay sa abiso ng Food and Drug Administration, hindi sumailalim sa anumang pagsusuri ang mga produkto kaya’t hindi matitiyak ang bisa, kalidad, at kaligtasan nito para sa mga mamimili.

Ayon sa FDA, ang paggamit ng mga substandard at mapanganib na produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan, tulad ng skin irritation, respiratory disorders, brain damage, at organ failure.

Hinimok naman ng BAN Toxics si Pasig City Mayor Vico Sotto upang tutukan at tugunan ang paglaganap ng mga ipinagbabawal na produkto sa Pasig Mega Market, at maiwasang magdulot pa ng kapahamakan sa mamamayan.

“We will continue to conduct on-site monitoring on restricted consumer products in public markets and report to concerned authorities for law enforcement action. The health and welfare of the public should be the main concern especially by our local officials,” giit ng grupo.
Upang matiyak na nakarehistro sa FDA ang mga kagamitan sa tahanan, bisitahin lamang ang website ng ahensya sa www.fda.gov.ph, o kaya’y magpadala ng e-mail sa [email protected] sakaling makabili ng kahina-hinalang produkto.

Nakasaad sa Catholic Social Teaching na bagamat sang-ayon ang simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, kinakailangang ang negosyo nito’y hindi nagdudulot ng kapahamakan sa kalusugan ng mamamayan at pinsala sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 82,484 total reads

 82,484 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 184,211 total reads

 184,211 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 220,999 total reads

 220,999 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 251,574 total reads

 251,574 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 296,572 total reads

 296,572 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 58,334 total reads

 58,334 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top