Kaisahan ng iba’t ibang pananampalataya tungo sa pangangalaga ng Kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,367 total reads

Hindi hadlang ang pagkakaiba ng paniniwala at relihiyon sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Ecumenical Affairs executive secretary Bro. Robert Samson, ang pagpapaigting ng ugnayan sa pagitan ng kristiyanong katoliko at ibang denominasyon ang nagbubuklod sa bawat isa tungo sa pagkakaroon ng mapayapang lipunan.

Kabilang si Samson sa mga nakibahagi sa matagumpay na unang taon ng Ecumenical Walk for Creation 2023 na ginanap sa Christ the King Mission Seminary sa Quezon City.

“Kaya maganda ‘yung sinabi ni [Fr. Michael Flores, OFM Cap.] na i-upgrade natin ‘yung interconnectedness which means i-upgrade ‘yung reciprocal life natin for one another. Kasi ‘yun ang strength ng ecumenism e. From there, they will know that you are my disciples if you love one another. So, if na-increase natin ‘yun, among us, it follows even the care of creation kasi alam namin yung pangangailangan ng isa’t isa.” bahagi ng pahayag ni Samson sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi ng opisyal ng CBCP na isang halimbawa ng magandang ugnayan sa pagitan ng ibang denominasyon ang layuning sama-samang pagkilos bilang mabubuting katiwala ng sangnilikha alang-alang sa kapakanan ng kalikasan at ng mga susunod pang henerasyon.

Hinikayat naman ni Samson ang mga mananampalataya na sa pagdiriwang ng Season of Creation ay higit pang pagnilayang mabuti ang mga pagpapasya lalo na kung makakaapekto sa inang kalikasan.

Tinukoy din ang sapat-lifestyle na tinuturuan ang lahat na maging matipid, at maiwasan ang pag-aaksaya at paglikha ng basura bilang bahagi ng tungkuling pangalagaan ang kapaligiran.

“Kaya napakaimportante na kung ano ‘yung nasa paligid natin ay kailangang pangalagaan natin. Inaanyayahan natin talaga ang lahat na gawin n’yo na makita n’yo na ang buong kalikasan ang buong sangnilika ay ang ating tahanan. At tayo ang tagapagtaguyod, tagapangalaga na ginawa ng Panginoon. malaking karapatan yan at malaking responsibility and duty.” ayon pa kay Samson.

Maliban sa CBCP-ECEA, nakatuwang ng Laudato Si’ Movement Pilipinas sa Ecumenical Walk for Creation ang Philippine Council of Evangelical Churches, at National Council of Churches in the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 58,085 total reads

 58,085 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,265 total reads

 137,265 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,710 total reads

 170,710 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,008 total reads

 206,008 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,183 total reads

 430,183 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,228 total reads

 157,228 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top