SSMNA, nagbigay pugay sa mga katutubo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,612 total reads

Ipagpatuloy ang laban para sa Sierra Madre at sa mga susunod na henerasyon.

Ito ang pahayag ni Diocese of Infanta Indigenous Peoples` Apostolate coordinator, Fr. Pete Montallana, OFM kaugnay sa paggunita sa Linggo ng mga Katutubo.

Ayon kay Fr. Montallana, ang mga katutubo ang inspirasyon ng Save Sierra Madre Network Alliance Inc. (SSMNA) sa pangangalaga sa inang kalikasan lalo na sa Sierra Madre na nanganganib na mapinsala dulot ng pag-unlad.

“Napakahalaga nila (katutubo) kasi sila ang nagtuturo kung paano natin dapat ituring ang kalikasan. Bahagi ng ating buhay ang kalikasan at kailangan din na tayo’y magbigay buhay sa kalikasan,” pahayag ni Fr. Montallana.

Patuloy ang pagiging aktibo ng SSMNA sa pagtataguyod sa bulubundukin laban sa malalaking proyekto tulad ng Kaliwa Dam na sumira sa mga katutubong lupain at nagdulot ng panganib sa buhay ng mga katutubo.

Samantala, iginiit naman ng pari na ang kalikasan ay hindi lamang bahagi ng buhay, bagkus buhay na dapat pagyamanin at pangalagaan ng bawat isa.

Sa ganitong paraan ay nagagampanan ng tao ang pagiging mabuting katiwala ng sangnilikha na handog lamang ng Diyos, at hindi dapat angkinin kahit sino man.

“Sa bawat hakbang na ating ginagawa, sana ay maging salamin ito ng mga aral at paniniwala ng ating mga katutubo,” ayon kay Fr. Montallana.

Itinalaga sa Pilipinas ang ikalawang Linggo ng Oktubre bilang Indigenous Peoples’ Sunday upang kilalanin ang mahalagang gampanin ng mga katutubo sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Ito rin ang hudyat ng pagtatapos ng pagdiriwang ng simbahan sa Season of Creation sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sense of entitlement!

 16,002 total reads

 16,002 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 40,063 total reads

 40,063 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 118,449 total reads

 118,449 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 162,760 total reads

 162,760 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 199,277 total reads

 199,277 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 112,815 total reads

 112,815 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top