DTI, hinimok ng BAN Toxics na muling pag-aralan ang RA-10620

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,499 total reads

Hinikayat ng BAN Toxics ang Food and Drug Adminstration (FDA) at Department of Trade and Industry (DTI) na muling suriin ang Republic Act 10620 o ang Toy and Game Safety Labeling Act.

Ayon kay BAN Toxics Campaigner Thony Dizon, ito’y dahil sa patuloy na pagbebenta sa mga laruang hindi pasado sa labeling requirements sa ilalim ng RA 10620, na maaaring magdulot ng panganib sa kaligtasan at kalusugan ng mga bata.

“BAN Toxics calls the attention of the Food and Drug Administration and the Department of Trade and Industry to initiate multi-stakeholders’ consultation to assess RA 10620 and determine gaps and ways forward on how to fully implement the law to protect and promote consumer’s rights to health and safety.” pahayag ni Dizon.

10-taon na ang nakakalipas makaraang aprubahan ang RA 10620 na layong tiyakin ang kaligtasan ng mga mamimili lalo na ang mga bata.
Panawagan ng BAN Toxics na muli itong suriin kasabay ng paggunita sa Consumer Welfare Month ngayong Oktubre.

Taong 2013 nang lagdaan ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang batas alinsunod sa RA No. 7394 o ang Consumer Act of the Philippines na layong isulong ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamimili.

“Now that the holiday season is near, we must enforce the law and conduct actions against toy manufacturers, importers, distributors, and retailers that violate the existing labeling requirements.” ayon kay Dizon.

Nakasaad sa RA 10620, na sinumang lalabag sa anumang isinasaad ng batas ay papatawan ng P10,000 hanggang P50,000 multa, o pagkakakulong ng tatlong buwan hanggang dalawang taon.

Sa Katuruang Panlipunan ng Simbahan, sang-ayon ang simbahan na kumita ang mga mamumuhunan, subalit mahalagang matiyak na ang negosyo nito’y hindi nagdudulot ng kapahamakan sa kalusugan ng mamamayan at pinsala sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 48,848 total reads

 48,848 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 134,214 total reads

 134,214 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 180,949 total reads

 180,949 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 228,821 total reads

 228,821 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 330,437 total reads

 330,437 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,596 total reads

 169,596 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top