Seek God’s kingdom, paalala ng CBCP President sa mga paring mag-aaral sa PCF

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,657 total views

Pinangunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, ang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang Mass of the Holy Spirit at Committment Proffession of Faith of Administrators and Students ng Pontificio Collegio Filippino.

Ikinagalak ni PCF Rector Fr. Gregory Ramon Gaston ang pakikiisa ni Bishop David sa paghahanda ng mga paring mag-aaral sa Roma gayundin sa muling pagtalaga ng mga nangasiwa sa institusyon sa pagsisimula ng panibagong school year.

“The PCF is an Episcopal Commission in itself under the CBCP, and we are blessed to have the CBCP President celebrate with us.” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Sa mensahe ni Bishop David, pinaalalahanan nito ang mga pari na unahin ang Panginoon sa bawat gawain lalo na sa kanilang adhikaing mas palawakin ang kaalaman na makatutulong sa pagtupad ng kanilang misyon bilang mga pastol ng simbahan.

“Seek the one thing that is necessary, to seek God’s Kingdom in all that we do.” ayon kay Bishop David.

Ilan sa mga kursong kinukuha ng mga pari sa mga unibersidad sa Roma na may specialization sa Ecclesiastical studies tulad ng Theology, Philosophy, Canon Law, Sacred Scripture, Communications at iba pa.

Itinatag ang PCF noong 1961 bilang ‘Home in Rome’ ng mga paring ipinapadala ng mga obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa Pilipinas para sa advance studies kung saan itinalaga ng CBCP si Antipolo Bishop Ruperto Santos bilang chairman ng komisyon ng PCF.

Pagbabahagi pa ni Fr. Gaston na tuwing weekend at bakasyon ay nagmimisyon ang mga Pilipinong pari sa mga Filipino communities sa Europa.

“They are deeply engaged in the ministry of scientific reflection on our faith.” dagdag pa ni Fr. Gaston.

Sa kasalukuyang datos may 50 Pilipinong pari ang naninirahan sa institusyon habang pito naman ang mga dayuhan.

Ilan sa mga paring nagtapos ng kanilang advance studies sa Roma ang naglilingkod sa iba’t ibang simbahan, mission territories sa buong mundo kabilang na sa Vatican City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 31,051 total views

 31,051 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 59,402 total views

 59,402 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 127,132 total views

 127,132 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 150,283 total views

 150,283 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 218,179 total views

 218,179 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top