20,680 total views
Bagama’t kilala ang isla bilang daanan ng mga bagyo, kilala rin ang ng Batanes sa mayamang kasaysayan, tradisyon at debosyon sa Mahal na Birhen at Panginoong Hesus.
Sa programang Pastoral visit-on-the air, sinabi nina Batanes Bishop Danilo Ulep at Fr. Zenki Manabat-rector at parish priest ng Immaculate Conception Cathedral, ilan sa mga kilalang debosyon sa isla ang Healing Crucifix, Sto. Nino at La Naval de Basco.
Ayon kay Bishop Ulep, ang milagroso at kilalang nagpapahilom na Krus ay matatagpuan sa loob ng katedral na dinala sa Batanes ng mga Dominikano.
Inihayag ni Bishop Ulep na itinuturing din nila bilang mapaghimala ang krusipiho noong panahon ng pandemya na bagama’t nakapasok din ang Covid-19 sa isla ng Batanes ay hindi ito naging mapinsala kumpara sa ibang lugar.
“There where may claims of healing, kaya noon pong nagkaroon ng pandemic, ayon na rin sa kahilingan ng aming obispo na ang Good Friday na ilabas ang krusipiho, ito po yung pinagpasyahan ng Pastoral Council na ilabas. Kami po ay naniniwala na sa mahabang panahon na hindi naipuprusisyon ay ilalabas ang krusipihong ito, ito yung naging dahilan kung bakit bagama’t napasok ng Covid-19 ang Batanes pero it was not as deadly in the other places,” ayon naman kay Fr. Manabat na siya ring tagapangasiwa ng Healing Crucifix.
“Ang magandang gusto kong idiin dito, ang Healing Crucifix na imahe na ito ay napakatanda na at luma na kaya ginagawa naming ang lahat ma-preserve… Ang healing Crucifix na ito ay ang most venerated image ng Basco,” ayon kay Bishop Ulep.
Matatagpuan naman ang isa pang Krus sa isla ng Itbayat na dinala ng mga paring Espanyol.
Dalawang beses din pinaparangalan ang Immaculate Conception sa Batanes -tuwing December 8 ang Pista ng Inmakulada at tuwing June 26-ang Batanes Day.
“So makikita natin from among the Ivatan’s how deep their love to the Blessed Mother under that title… Meron pong dalawang original image ng Immaculate Conception dito sa Cathedral, isa po was brought noong 1783 na ivory image na ngayon ay inaalagaan natin at hindi siya ini-expose ang naka-expose po ay yung pangalawang imahen na made of wood and blessed by Pope Paul VI when he visited the Philippines,” ayon pa kay Fr. Manabat.
Bukod sa magagandang tanawin at mga lumang kapilya, matatagpuan naman sa munisipalidad ng Sabang ang ivory image ng Sto. Niño.