Seek God’s kingdom, paalala ng CBCP President sa mga paring mag-aaral sa PCF

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,693 total reads

Pinangunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, ang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang Mass of the Holy Spirit at Committment Proffession of Faith of Administrators and Students ng Pontificio Collegio Filippino.

Ikinagalak ni PCF Rector Fr. Gregory Ramon Gaston ang pakikiisa ni Bishop David sa paghahanda ng mga paring mag-aaral sa Roma gayundin sa muling pagtalaga ng mga nangasiwa sa institusyon sa pagsisimula ng panibagong school year.

“The PCF is an Episcopal Commission in itself under the CBCP, and we are blessed to have the CBCP President celebrate with us.” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Sa mensahe ni Bishop David, pinaalalahanan nito ang mga pari na unahin ang Panginoon sa bawat gawain lalo na sa kanilang adhikaing mas palawakin ang kaalaman na makatutulong sa pagtupad ng kanilang misyon bilang mga pastol ng simbahan.

“Seek the one thing that is necessary, to seek God’s Kingdom in all that we do.” ayon kay Bishop David.

Ilan sa mga kursong kinukuha ng mga pari sa mga unibersidad sa Roma na may specialization sa Ecclesiastical studies tulad ng Theology, Philosophy, Canon Law, Sacred Scripture, Communications at iba pa.

Itinatag ang PCF noong 1961 bilang ‘Home in Rome’ ng mga paring ipinapadala ng mga obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa Pilipinas para sa advance studies kung saan itinalaga ng CBCP si Antipolo Bishop Ruperto Santos bilang chairman ng komisyon ng PCF.

Pagbabahagi pa ni Fr. Gaston na tuwing weekend at bakasyon ay nagmimisyon ang mga Pilipinong pari sa mga Filipino communities sa Europa.

“They are deeply engaged in the ministry of scientific reflection on our faith.” dagdag pa ni Fr. Gaston.

Sa kasalukuyang datos may 50 Pilipinong pari ang naninirahan sa institusyon habang pito naman ang mga dayuhan.

Ilan sa mga paring nagtapos ng kanilang advance studies sa Roma ang naglilingkod sa iba’t ibang simbahan, mission territories sa buong mundo kabilang na sa Vatican City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 54,556 total reads

 54,556 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 159,033 total reads

 159,033 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 195,820 total reads

 195,820 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 226,396 total reads

 226,396 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 272,605 total reads

 272,605 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top