Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ihalal ang “eco-friendly” na kandidato, panawagan ng EcoWaste sa mga botante

SHARE THE TRUTH

 3,311 total views

Hinimok ng EcoWaste Coalition ang mamamayan na pagnilayang mabuti ang pagpili sa mga kakandidato sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa bansa.

Ayon kay EcoWaste Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino, mahalagang matiyak ng publiko na ang susuportahan at ihahalal na kandidato ay mayroong tapat na pusong maglingkod sa mamamayan at mangangalaga sa kapaligiran.

Sinabi ni Tolentino na kasabay ng lumalalang krisis sa kapaligiran dulot ng climate change, polusyon, at pagkaubos ng mga likas na yaman, makatutulong na mapabilang sa plataporma ng mga kandidato ang pangangalaga sa kalikasan tulad ng pagtugon sa matagal nang suliranin sa plastic at basura.

“Candidates, in their strong drive to win, usually forget that they have a responsibility to ensure that campaign activities do not lead to the further degradation of our environment. We therefore ask all candidates, as well as their supporters, to be respectful of the environment and avoid practices that squander resources, generate trash and bring about pollution that can endanger the health and well-being of their constituents,” pahayag ni Tolentino.

Ginawa ng grupo ang panawagan sa labas ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila nitong Oktubre 17.

Binigyang diin ng EcoWaste ang mensaheng “Panalo ang bayan at kalikasan sa halalang walang basura” at “Vote for Mother Earth” bilang pagpapahayag ng pagnanais na magkaroon ng malinis at mapayapang eleksyon at kapaligiran.

Hinimok din ng grupo ang mga kandidato na sa pangangampanya ay gamitin lamang ang recyclable at non-toxic materials; isulong ang pag-iwas ang paggamit ng plastic; at sumunod sa wastong pagtatapon ng basura lalo na sa mga pagtitipon.

“The eco-friendly conduct of the synchronized elections for barangay and youth leaders will surely yield tangible benefits for Mother Earth, especially if resources are judiciously used and environmental pollution is avoided, among others,” ayon kay Tolentino.

Muli namang pinaalalahanan ng simbahan ang 67-milyong botante sa bansa sa matalinong paghalal sa mga susunod na lider alinsunod sa katangiang matapat, makatarungan at handang itaguyod ang kabutihan ng bawat mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 25,232 total views

 25,232 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 33,332 total views

 33,332 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 51,299 total views

 51,299 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 80,361 total views

 80,361 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 100,938 total views

 100,938 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 8,907 total views

 8,907 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 10,188 total views

 10,188 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 15,596 total views

 15,596 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top