Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Waste-free BSKE, panawagan ng BAN Toxics

SHARE THE TRUTH

 7,690 total views

Hinikayat ng BAN Toxics ang mga kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na sundin ang mga panuntunan ng Commission on Elections sa pangangampanya.

Ayon kay BAN Toxics executive director Rey San Juan, sa halip na maging ‘epal’, dapat ipamalas ng mga kandidato ang pagiging “Environment Pal” o Kaibigan ng Kalikasan, na bibigyang-pansin ang pagtugon sa mga suliraning pangkalikasan sa antas ng Barangay.

Ang terminong ‘epal’ ay mula sa salitang ‘mapapel’ na naging bansag sa mga kandidatong hangad lamang ay posisyon at hindi ang tunay na paglilingkod sa bayan.

“Barangay and Sangguniang Kabataan candidates should be an advocate for environmental protection and preservation, “Environment PALS” not just during election fever, but in the genuine implementation of programs and services once elected,” pahayag ni San Juan.

Binigyang-diin ng grupo ang panuntunan ng COMELEC na hinihikayat ang mga kandidato na gumamit ng recyclable at eco-friendly materials, maging ang pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan sa pangangampanya at kapag nahalal na sa posisyon.

Paliwanag ng BAN Toxics na ang paggamit ng plastic o iba pang materyal na may sangkap na kemikal ay maaaring makadagdag sa kalat at polusyon sa kapaligiran na kalauna’y magiging suliranin sa mga pamayanan.

Alinsunod sa Local Government Code, ang Barangay bilang pangunahing political unit ay magsisilbing pangunahing lugar para sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga patakaran, programa, at mga proyekto sa mga pamayanan, kabilang ang wastong pamamahala at pangangalaga sa kalikasan.

“We encourage all candidates “win or lose” to conduct post-election clean-ups, properly collected and segregated – not “hakot-tambak” to minimize trash, and promote a clean, peaceful, toxic-free, and waste-free election,” ayon kay San Juan.

Nakasaad sa Katuruang Panlipunan ng Simbahan na ang mga opisyal ng pamahalaan ay nagpapamalas ng tapat na paglilingkod sa taumbayan, sa halip na pagtuunan lamang ang pansariling kapakanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 12,712 total views

 12,712 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 20,812 total views

 20,812 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 38,779 total views

 38,779 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 68,060 total views

 68,060 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 88,637 total views

 88,637 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 8,115 total views

 8,115 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,406 total views

 9,406 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,805 total views

 14,805 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,789 total views

 16,789 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top