Pagiging mabuting pastol ni Bishop Macaraeg, kinilala ng SLP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,577 total reads

Nagluksa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa biglaang pagpanaw ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg nitong October 23.

Kinilala ng grupo ang pagiging mabuting pastol ng obispo na kasalukuyang chairperson ng Episcopal Commission on the Laity ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kung saan nagsisilbing implementing arm ang SLP.

Batid nito ang pagiging payak ni Bishop Macaraeg at masigasig na paggabay sa mga layko tungo sa landas ng Panginoong Hesukristo.

“His personal stories and sincere affection towards ordinary people have given us a testimony of the love of Christ in his life,” pahayag ng SLP.

Pumanaw si Bishop Macaraeg sa edad na 67 taong gulang dahil sa atake sa puso habang lumahok sa basketball tournament sa Malasiqui Pangasinan.

Tinuran ng mga layko na ipagpatuloy ang mga mabubuting halimbawang ipinamalas ni Bishop Macaraeg sa kanyang paninilbihang pinuno ng komisyong nangangalaga sa kawan ng Panginoon.

Anila nawa’y sa mga panalangin ng namayapang obispo ay higit na maunawaan ng mga layko ang malaking gampanin sa pag-unlad ng simbahang katolika lalo’t ito ang bumubuo sa 99 porsyentong populasyon ng mananampalataya.

“May his prayers for us as our Bishop-friend lead us to appreciate more our own purposes and discipleship, as he will continue to journey with us,” saad ng grupo.

Sa nalalapit na 23rd National Biennial Convention ng mga layko na isasagawa sa Tacloban City sa October 27 hanggang 29 ay iaalay ng SLP ang mga panalangin sa kapayapaan ng paglalakbay ni Bishop Macaraeg tungo sa buhay na walang hanggan.

Si Bishop Macaraeg ay inordinahang pari noong May 19, 1979 sa Archdiocese of Lingayen-Dagupan habang itinalagang ikatlong obispo ng Tarlac noong March 2016.

Ginawaran ng episcopal ordination noong May 24 at pormal na iniluklok May 31, 2016.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 15,706 total reads

 15,706 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 50,331 total reads

 50,331 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 86,813 total reads

 86,813 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 105,025 total reads

 105,025 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 188,549 total reads

 188,549 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top