Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsulong ng Pagbabasa ng Libro sa ating Bansa

SHARE THE TRUTH

 12,815 total views

Kapanalig, lahat na yata tayo nakatutok na sa social media lagi at nakalimutan na natin ang pagbabasa ng libro. Marami na sa ating mga kabataan ang hindi nakakaranas ng saya at ligaya, excitement at thrill, ng higit na karunungan, na makukuha natin sa pagbabasa ng libro.

Ang pagbabasa ng libro ay isa sa mga gawain na mahalaga sa kahit anumang bansa. Sa ating bayan kung saan marami ang naniniwala na ang kaalaman ay kayamanan, nakakalungkot na 9 sa 10 batang mag edad 10 ay hirap magbasa, base sa isang pag-aaral ng World Bank noong 2022. Maliban pa dito, sa isang pag-aaral ng OECD, tayo ang may pinakamababang reading comprehension sa mga 79 na bansa na kanilang survey noong 2018.

Malaking hamon ito, kapanalig. Paano ba natin mapapalakas ang pagbabasa ng libro sa ating bansa ngayong napakalakas na kumpetisyon sa atensyon ng mga bata ang social media pati online games?

Siguro, kapanalig, isang mabisang paraan ay ang pagsisimula nito sa ating tahanan. Habang bata pa lamang, sanayin na natin sila sa pagbabasa sa pamamagitan ng pagbabasa din natin sa kanila. Sa halip na mag doom scroll tayo ng cellphone bilang pampatulog, basahan natin ng mga istoryang pambata ang ating mga anak.

Ang pagbabasa sa bahay ay mapapalawig pa natin kung mismo sa ating mga pamayanan ay may accessible na libraries o aklatan para sa mga bata sa mga public spaces gaya ng mga playground at community centers. Mas marami ang mapupukaw na atensyon nito at mabibigyan ng iba ibang opsyon ng libangan ang mga kabataan.

Sa paaralan, maaaring magtaguyod ng mga book clubs para liban sa paggamit ng libro ng pagtuturo, magagamit din ito ng mga kabataan para sa pagpapalawig ng kanilang kaalaman sa ibang topics o tema, pati kultura, kasaysayan, at tradisyon, hindi lamang ng ating bansa, kundi sa ibang bansa din. Dito rin maaaring mag-umpisa ang kanilang atraksyon para sa iba’t-ibang uri ng propesyon at expertise.

Dapat makita natin, kapanalig, na ang pagbabasa ng libro ay hindi lamang extra-curricular activity kundi isang way of life – bahagi ng ating buhay. Nagpapalalim ito ng ating kaalaman at karanasan. Pinupukaw nito ang ating kaisipan at damdamin, at nagbibigay ng inspirasyon sa ating buhay. Kapanalig, isama na natin dapat dito ang pagbabasa ng Bibliya. Sana, kahit pa naglipana ang mga gadgets na dala ng modernisasyon at teknolohiya, huwag nating kalimutan ang pagbabasa ng aklat.

Kapanalig, si Pope Francis ay isang halimbawa ng isang tao na mahilig magbasa. Sa kanyang mensahe sa mga kalahok sa isang conference  ng La Civilta Cattolica at sa Georgetown University, sinabi nya: I have loved many poets and writers in my life… the words of those authors helped me to understand myself, the world and my people, but also to understand more profoundly the human heart, my personal life of faith, and my pastoral work, even now in my present ministry.  Literature is like a thorn in the heart; it moves us to contemplation and sets us on a journey. Sana’y gayahin natin ang kanyang halimbawa.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 14,726 total views

 14,726 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 23,394 total views

 23,394 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 31,574 total views

 31,574 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 27,585 total views

 27,585 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 39,636 total views

 39,636 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 14,727 total views

 14,727 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Functional Literacy Crisis

 23,395 total views

 23,395 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 31,575 total views

 31,575 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kinabukasan

 27,586 total views

 27,586 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 39,637 total views

 39,637 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 55,561 total views

 55,561 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 84,566 total views

 84,566 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 105,130 total views

 105,130 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 87,055 total views

 87,055 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,836 total views

 97,836 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,892 total views

 108,892 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,754 total views

 72,754 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 61,183 total views

 61,183 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 61,405 total views

 61,405 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 54,107 total views

 54,107 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top