Kamara, kinondena ang pagpaslang sa mamamahayag sa Misamis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,963 total reads

Naninindigan si House Speaker Martin Romualdez na ang kalayaan ng pamamahayag ay ang pundasyon ng demokrasya ng bansa.

Kinondena rin ng pinuno ng Mababang Kapulungan ang pinakahuling insidente ng pagpatay sa isang mamamahayag sa Misamis Occidental na si Juan Jumalon o mas kilala bilang DJ Johny Walker ng 94.7 Calamba Gold FM ay pinaslang ng hindi pa nakikilalang salarin habang nagpoprograma at aktwal na napanood ng marami dahil sa livestreaming.

Giit ng mambabatas, bawat mamamahayag ay may karapatan na ipahayag ang kanilang propesyon at adbokasiya ng may kalayaan, walang takot at panganib sa kanilang buhay.

Dagdag pa ni Romualdez, ang anumang karahasan laban sa miyembro ng media ay hindi katanggap-tanggap kaya’t marapat lamang na mapanagot ang may kagagawan ng pagpaslang.

“The freedom of the press is a cornerstone of our democracy. Every journalist deserves the right to exercise their profession without fearing for their safety or their lives. Any attack or violence against members of the media is unacceptable and deeply troubling. We must ensure that those responsible for these heinous acts are brought to justice,” ayon pa kay Romualdez.

Tiniyak din ng pinuno ng kamara ang suporta at pagtiyak ng kaligtasan ng mga mamamahayag sa paghatid ng mga pangyayari sa bansa.

Sa ulat ng Committee to Protect Journalist, simula 1986 hanggang 2022 umaabot na sa 158 mamamahayag ang nailat na napaslang sa Pilipinas.

Una na ring binigyang pagkilala ng Santo Papa Francisco na ang pamamahayag ay isang marangal na propesyon bilang daluyan ng katotohanan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,058 total reads

 77,058 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,305 total reads

 155,305 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 188,753 total reads

 188,753 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,049 total reads

 224,049 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,493 total reads

 447,493 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top