Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,308 total reads

Ang Mabuting Balita, 01 Nobyembre 2023 – Mateo 5: 1-12a
MAKITA ANG DIYOS
Noong panahong iyon, nang makita ni Jesus ang napakakapal na tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niya’y lumapit ang kanyang mga alagad, at sila’y tinuruan niya ng ganito:
“Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan
kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa
kanyang kaharian.”
“Mapalad ang mga nahahapis sapagkat aaliwin
sila ng Diyos.”
“Mapalad ang mga mapagpakumbaba,
sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos.” “Mapalad ang mga nagmimithing makatupad
sa kalooban ng Diyos, sapagkat ipagkakaloob
sa kanila ang kanilang minimithi.”
“Mapalad ang mga mahabagin,
sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.”
“Mapalad ang mga may malinis na puso,
sapagkat makikita nila ang Diyos.”
“Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa
ikapagkakasundo, sapagkat sila’y ituturing
ng Diyos na mga anak niya.”
“Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa
kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos,
sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.”
“Mapalad kayo kapag dahil sa aki’y inaalimura
kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan
ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang
kasinungalingan.
Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki
ang inyong gantimpala sa langit.”
————
Noong panahon ni Jesus, ang mga Judio ay mayroon 613 na utos na tinatawag nilang Batas ni Moises. Isipin na lang natin, ni hindi lahat tayo ay maisasaulo ang 10 Utos, paano pa kung 613? Ipinagmamalaki ng mga eskriba at Pariseo ang kanilang pagiging “interpreter” ng Batas ni Moises, at ipinaniniwala nila ang mga tao na sila ay gagantimpalaan o parurusahan ng Diyos ayon sa batas na ito. Kaya’t hindi kataka-taka na nahirapan ang mga Judio sumunod sa mga ito, at kadalasa’y nahuhusgahan na mga makasalanan. Sa paraan ng pagtuturo ng mga eskriba at Pariseo, ang ugnayan ng Diyos at tao ay naging simpleng ugnayan ng tagapagpatupad ng utos at alipin. Isipin natin ngayon, si Jesus ay nagsasalita tungkol sa pagiging mapalad sa halip ng panghuhusga. Napakalaki ng kaibahan ng pagsasalita niya sa mga eskriba at Pariseo. Tunay ngang ang BEATITUDES ay nagbibigay ng kaginhawaan, pag-asa at inspirasyon sa mga nagnanais na MAKITA ANG DIYOS. At oo, sa tulong ng biyaya ng Diyos, maaari nating maabot ang mga tala sa kataas-taasan ng langit! Nariyan sila para sa ating lahat!
Sa pagdiriwang natin ng Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal (kabilang na ang mga kamag-anak at kaibigan natin na ngayo’y nasa langit), hilingin natin na ipanalangin nila tayo upang manatili tayong mapalad buong buhay, habang buong pag-asa nating hinihintay ang pagdating ng ating Tagapaglitas na si Jesukristo!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 27,200 total reads

 27,200 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 75,437 total reads

 75,437 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 125,188 total reads

 125,188 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 284,387 total reads

 284,387 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 310,253 total reads

 310,253 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PREREQUISITE

 2,220 total reads

 2,220 total reads Gospel Reading for November 04, 2026 – Luke 14: 25-33 PREREQUISITE Great crowds were traveling with Jesus, and he turned and addressed them,

Read More »

 3,598 total reads

 3,598 total reads Gospel Reading for November 02, 2026 – John 6: 37-40 POWERFUL REMINDER The Commemoration of All the Faithful Departed (All Souls) Jesus said

Read More »

POSITIVITY

 4,408 total reads

 4,408 total reads Gospel Reading for November 01, 2026 – Matthew 5: 1-12a POSITIVITY Solemnity of Saints When Jesus saw the crowds, he went up the

Read More »

NO LIMITS

 11,215 total reads

 11,215 total reads Gospel Reading for October 30, 2026 – Luke 14: 1-6 NO LIMITS On a sabbath Jesus went to dine at the home of

Read More »
Scroll to Top