Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 17,520 total views

Homiliya para sa ika-32 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Nov 2023, Mat 25:1-13


Isa sa pinaka-importanteng simbolo sa binyag, bukod sa tubig, ay ang ilaw. May parte sa ritwal ng binyag na sisindihan ng pari ang kandila mula sa Paschal candle at ibibigay sa bibinyagan o sa ninong kung musmos pa ang bibinyagan. Sasabihin niya, “Tanggapin mo ang ilaw ni Kristo…Panatilihin mong nakasindi ito upang sa pagdating ng Panginoon ikaw ay makasalubong…”
Obvious ba na ang pinagkuhanan ng inspirasyon para sa linyang iyon ay ang Gospel reading na narinig natin? Ito ang parable tungkol sa sampung dalaga na sumasalubong daw sa lalaking bagong kasal. Pare-pareho naman silang naghintay, nagdala ng kanilang mga nakasinding ilawan, pare-pareho din silang nakatulog at nagising nang dumating ang hinihintay. Ano ang ipinagkaiba ng limang marunong sa limang mangmang? Namatayan ng ilaw ang lima, kasi hindi sila nagbaon ng extrang langis; paano sila sasalubong? Ayun napagsarhan sila tuloy. Iyung lima nakasalubong dahil may baon silang langis, sakaling maatraaso ang pagdating ng sinasalubong.

Parable ito. Talinghaga, kailangan pagnilayan. Tungkol daw sa kaharian ng Diyos na parang kasalan. Kung gusto mong makasama sa handaan, sumalubong ka. At dahil ilaw ang pansalubong mo sa pagdating niya sa gabi, kailangan nakasindi ang ilaw. Ano ang dapat gawin para hindi mamatayan ng ilaw? Kung gasera iyan, medyo ingatan mo sa hangin. Takpan mo o tabingan sa pinagmumulan ng hangin. At para hindi maubos nang mabilis ang langis, baka kailangang bawasan nang konti ang pabelo. Pag masyadong malaki ang pabelo, masyado ring malaki ang apoy at malakas humigop ng langis. Pero di ba minsan, sa kabila ng lahat ng pag-iingat, pwede pa ring mamatayan ng apoy, hindi dahil sa hangin. Minsan ang problema hindi sa labas galing kundi sa loob—ubo na pala ng langis. Hindi mo napansin at napaghandaan, walang baon.

Hindi naman baon na langis, kundi dunong ang talagang pinahahalagahan sa ating ebanghelyo. Tutoo naman di ba, nilikha tayong matalino ng Diyos, pero minsan, hindi lang talino ang kailangan, hindi lang husay, galing, abilidad, tinik o pagiging maparaan. Kailangan ng dunong. Para bang sa chess, kailangan pag-aralan ang galaw ng kalaro. Pwedeng may plano ka, mahusay pero papalpak din dahil merong pwedeng mangyari na hindi mo ineexpect, wala sa plano mo. Patay kang bata ka, pag may plan A ka, pero walang plan B or plan C.
Minsan, sa di natin namamalayan, nabobobo na tayo, lalo na pag wala na tayong panahon para manahimik, mag-isip-isip, magnilay, maghintay, makinig, magdasal. Mga disiplina ito ng lahat ng taong gustong umunlad di lang sa kaalaman kundi sa karunungan. Hindi lahat ng maalam ay marunong. Kaya tuloy minsan may mga taong parang manok na tumatakbo na walang ulo, o walang direksyon. Nagkakalat.

Baka kasi ma-overconfident tayo porke’t mabait ang Diyos. Walan duda lahat naman talaga iniimbita niya. Tooo naman na may lugar siya para sa lahat, pero hindi naman niya ipipilit sa atin ang gusto niya. Kailangang gustuhin din natin, kaya depende pa rin sa atin kung makakapasok ba tayo o mapagsasarhan ng pintuan. Ang galaw ng Diyos sa buhay natin ay hindi naman laging predictable. Diyan nga magaling ang mga nanay natin. Magbibiyahe ka, pababaunan ka niya sa ng snacks, extrang tshirt, extrang brief, kasi di mo alam ang pwedeng mangyari. Hindi naman sapat sa mundo ang matalino, mabait, masipag, kailangan ding marunong. Di nga ba kasabihan natin, “Daig ng maagap ang masipag”?

May good news ako sa inyo. Ang extrang langis ay ibinigay na sa atin sa binyag, laging nandiyan dahil inihahanda tayo ng Diyos sa lahat ng pagkakataon, pati sa mga bagay na hindi natin inaasahan na pwedeng mangyari sa buhay natin sa mundong ibabaw. Ang problema, kahit nandiyan ang Espiritu Santo, maraming ibang mga espiritu na nandidiyan din. Hindi naman sisindi ang ilawan kung tubig o gatas o soft drinks ang ilalagay mo. Langis ang kailangan. Ang Espiritu Santo lang ang langis na magpapanatili sa ningas natin, sa kaluwagan at kagipitan, sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, sa lahat ng pagkakataon. Sa kanya lang tayo magpagabay kung ibig nating makasalubong at makisalo sa handaan ng Diyos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 27,284 total views

 27,284 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 35,384 total views

 35,384 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 53,351 total views

 53,351 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 82,399 total views

 82,399 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 102,976 total views

 102,976 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

TEARS

 7,159 total views

 7,159 total views Homily for Mass for the Easter Octave Mass for the Eternal Repose of Pope Francis, Jn 20:11-18 It is the Octave of Easter.

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSALUBONG

 9,517 total views

 9,517 total views Homiliya para sa Paskong Pagkabuhay 2025, Juan 20:1-9 Kung may kakaiba o natatangi tungkol sa Pilipinong pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay, ito ay

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

EKSENANG KARUMAL-DUMAL

 21,491 total views

 21,491 total views Homiliya sa Biyernes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong hapon ng Biyernes Santo, tahimik tayong nagtitipon sa harap ng isang larawang karumal-dumal, ang imahen

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

KAIN NA

 10,378 total views

 10,378 total views Homiliya para sa Misa ng Huling Hapunan ng Panginoon Huwebes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong gabing ito, ipinagdiriwang natin ang tatlong malalalim na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

FULFILL YOUR MINISTRY

 9,488 total views

 9,488 total views Homily for Chrism Mass 2025 My dear brother priests and our beloved priestly people, magandang umaga po sa inyong lahat. Every year, on

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

KAPANATAGAN NG LOOB

 17,047 total views

 17,047 total views Homiliya para sa Linggo ng Palaspas, 13 Abril 2025, Lukas 22-23 Salamat sa Diyos at inalis na ang parusang kamatayan sa ating batas

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

“HUDYO” AT “ROMANO”

 5,222 total views

 5,222 total views Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59 Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSAMBANG NAGPAPALAYA

 5,224 total views

 5,224 total views Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma 9 Abril 2025 | Dn 2:14–20, 91–92, 95; Jn 8:31–42 Sapat na sana para

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IPAMUKHA

 5,391 total views

 5,391 total views Homiliya para sa Martes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, Bilang 21:4-9; Juan 8:21-30 Mula sa krus, isa daw sa mga huling salita na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AT YUMUKO SIYA

 5,937 total views

 5,937 total views Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-6 ng Abril 2025, Juan 8:1-11 Dalawang beses daw yumuko si Hesus. Una, nang iharap ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKIUSAP

 6,581 total views

 6,581 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Pang-Apat na Linggo ng Kuwaresma, 3 Abril 2025, Eksodo 32:7-14; Juan 5:31-37 Kung masakdal sa Korte ang isang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE FATHER WHO GOES OUT

 13,766 total views

 13,766 total views A Laetare Sunday Reflection on the Parable of the Prodigal Son (longer version)   Introduction: Rejoice, Return Home! Laetare Sunday – the Fourth

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AS YOURSELF

 8,474 total views

 8,474 total views Homily for Fri of the 3rd Wk of Lent, 28 Mar 2025, Mk 12:28-34 Love your neighbor AS YOURSELF. We often misread this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 12,227 total views

 12,227 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top