Lipa SAC Director, itinalaga sa Social Action Network ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,011 total reads

Nagpapasalamat si Fr. Jayson Siapco sa kanyang pagkakahalal bilang bagong kinatawan ng lahat ng social action center directors ng 86-diyosesis sa buong bansa.

Ayon kay Fr. Siapco, na siya ring kasalukuyang direktor ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission, Inc. (LASAC), ang kanyang panibagong tungkulin bilang Social Action Network (SAN) representative ay misyong ipinagkaloob ng Diyos upang maging tagapamagitan ng kapwa SAC directors sa social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Kaugnay ng pagkakahalal bilang kinatawan ng SAN, si Fr. Siapco ay bahagi na rin ng Board of Trustees ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace o mas kilala bilang Caritas Philippines.

“My role there is to represent the whole social action network. And these calls for understanding—anong sitwasyon ng bawat lugar, proper coordination sa iba’t ibang social action. Kumbaga ako ‘yung magiging tinig, mata, tainga, at kamay nila sa management ng Caritas Philippines,” pahayag ni Fr. Siapco sa panayam ng Radio Veritas.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Fr. Siapco sa kanyang pinalitang SAN representative na si Fr. Clifford Baira, na siya namang kasalukuyang SAC director ng Archdiocese of Cotabato.

Hinihiling naman ng pari sa mga kapwa direktor ang patuloy na pakikipagtulungan at maayos na ugnayan upang mapagtuunan ang mga pangangailangan ng bawat diyosesis sa iba’t ibang aspeto lalo na sa pagtulong sa mga higit na nangangailangan.

“Maraming salamat sa tiwalang ibinigay ng mga kapwa direktor ko, mga pari at layko na direktor ng mga social action network ng buong Pilipinas. Salamat sa tiwala at ang aking hihilingin sa kanila ay constant communication sa akin at open communication para mas madala natin ‘yung mga concerns natin sa Caritas [Philippines],” ayon kay Fr. Siapco.

Si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang kasalukuyang pangulo ng Caritas Philippines at chairman ng CBCP-ECSA-JP, habang executive director at secretary naman si Fr. Antonio Labiao, Jr.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 90,136 total reads

 90,136 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 167,437 total reads

 167,437 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 200,885 total reads

 200,885 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 236,184 total reads

 236,184 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 459,200 total reads

 459,200 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,111 total reads

 158,111 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top