Dating pangulong Duterte, kinilala ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,034 total reads

Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal sa Birheng Maria ay tanda ng katuparan ng pangakong kaligtasan ng Panginoon.

Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairperson ng CBCP Office on Stewardship isang magandang halimbawa ang ipinamamalas ng Mahal na Ina na buong kababaang loob na ipinagkatiwala sa Panginoon ang sarili sa pagtugon sa malaking misyong iluwal si Hesus sa sanlibutan.

Ang kapistahang ito ay nagpapahiwatig ng plano ng Diyos…Mahalaga ang papel ni Maria. Hindi magtatagumpay ang tao kung hindi naging tao ang anak ng Diyos. Naging tao si Hesus sa pamamagitan ni Maria,” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo.

Sinabi ng obispo na kabilang sa plano ng Diyos ang kalinis-linisang paglilihi ni Santa Ana kay Maria bilang paghahanda sa sinapupunan na pinanahanan ni Hesus.
Tinuran ni Bishop Pabillo na bukod tanging kabanalan ang ninanais ng Panginoon sa sangnilikha ngunit dahil sa pagsuway ng mga unang nilikhang tao ay nagkaroon ng kasalanan ang tao bago isilang sa mundo subalit nahuhugasan sa pamamagitan ng sakramento ng binyag.

Hamon ni Bishop Pabillo sa mamamayan na tularan ang kababaang loob ni Maria na handang tupdin ang kautusan ng Panginoon at kalingain ang kapwa lalo’t higit ang naisasantabing sektor ng pamayanan.

Kinilala ng obispo si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagbibigay halaga sa Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria tuwing December 8 nang lagdaan ang Republic Act No. 10966 noong 2017 na nagdeklarang special non-working holiday ang nasabing araw.
“Nagpapasalamat tayo kay dating presidente [Rodrigo] Duterte na sa kanyang pamumuno pinasa ng Kongreso ang batas na ginagawa ang December 8 na isang public holiday,” saad pa ni Bishop Pabillo.

Dahil dito inaanayayahan ni Bishop Pabillo ang bawat katoliko na maglaan ng panahon sa pagdalo ng Banal na Misa sapagkat ito ay isa sa tatlong araw na itinatalagang holy day of obligation bukod sa December 25 ang kapanganakan ni Hesus at January 1 ang Kapistahan ni Maria bilang Ina ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SIMPLENG LOHIKA

 12,714 total reads

 12,714 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 91,103 total reads

 91,103 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 135,411 total reads

 135,411 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 172,412 total reads

 172,412 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 279,138 total reads

 279,138 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top