Stewardship Simbang Gabi: Ano ba ang katiwala?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,206 total views

Stewardship Simbang Gabi: Ano ba ang katiwala?

Sunday

December 17, 2023

Katiwala nga tayo ng Diyos. Ito ang misyon natin bilang tao. Ano nga ba o sino nga ba ang katiwala? Ang katiwala ay hindi ang may-ari. Hindi kanya ang ginagamit niya. Pero kahit na hindi siya ang may-ari, siya ang namamahala, siya ang gumagamit. Dahil dito madali niyang kalimutan na hindi pala siya ang may-ari kasi siya ang gumagamit at nagdedesisyon tungkol sa ipinagkatiwala sa kanya. Hindi kanya ang bahay, pero siya ang namamahala at nangangalaga nito. Minsan siya pa nga ang nakatira doon. Kaya madaling makalimutan na hindi pala kanya ang bahay.

Dahil sa hindi kanya, tinatanong niya at inaalam niya kung ano ang gusto ng may-ari. Tinatanong niya sa may-ari kung gusto ba niyang papinturahan ang bahay. Hindi lang siya basta-bastang nagdedesisyon. Dahil dito kailangan na may contact siya sa may-ari. Paano niya malalaman ang gusto ng may-ari kung hindi naman siya nakikipag-usap sa may-ari?

Dahil sa siya ay katiwala lamang, mananagot siya sa may-ari sa mga ipinagkatiwala sa kanya. Hindi dapat masira at masayang o mamatay ang ipinagkatiwala sa kanya. Hindi dapat mawala ang cellphone na pinahiram sa kanya. Hindi dapat mamatay ang kalabaw na pinangangalagaan niya. Hindi dapat mabutas ang bangka na pinagagamit sa kanya. Dahil siya ang nakikinabang sa ipinagkatiwala sa kanya, dapat nagbibigay siya ng bahagi ng may-ari. Kung ako ang nangangalaga sa lupa, may bahagi din ang may-ari sa ani ko. Dahil ipinagkatiwala sa akin ang inahin, may bahagi ang may ari sa mga anak nito.

Tayo ay katiwala ng Diyos ng mga nilikha niya. Hindi atin ang mundo. Katiwala tayo. Inaalam natin sa Diyos paano ba gagamitin at aalagaan ang lupa, ang karagatan, kagubatan, ang biodiversity na nasa mundo. Isinasaalang-alang ba natin ang Maylikha sa paninirahan natin sa mundong ito? Ano ba ang gusto niya?

Gusto niya na igalang natin at pangalagaan natin ang sangnilikha, na hindi natin ito abusuhin. Gusto ng Diyos na Maylikha na ang lahat ng tao ay makinabang sa yaman ng mundo at hindi lang ang mga may kaya, ang mga may pera at may teknolohiya. God created the world for all for the benefit of all. Ito ay tinatawag natin na universal destination of the goods of the earth.

Parang hindi yata ito nangyayari ngayon. May ilang mga bansa lang at maliit na porsiyento lang ng mga tao ang nakikinabang sa kayamanan ng mundo. Ang karamihan ay napapabayaan at mahihirap. Hindi pantay ang pag-distribute sa yaman na galing sa mundo. Kung marami ang mahihirap, hindi ito dahil sa kulang ang yaman ng mundo para sa lahat. May sapat na yaman sa mundo pero hindi maayos ang pag-distribute ng yamang ito.

Hindi rin natin masasabi na ang mga mahihirap ay tamad kaya sila ay mahirap. Mas masipag pa nga ang maraming mahihirap kaysa mga maykaya. May mga pamamalakad sa mundo, mga hindi makatarungang pamamalakad na nagpapahirap sa maraming tao, isa na diyan ay ang corruption at hindi makatarungang business practices tulad ng panggipit sa mga manggagawa. Nandiyan na rin ang paggamit ng police at military upang supilin ang mga maliliit na mga tao.

Pero makatarungan ang Diyos. Mananagot tayong lahat sa kanya. Napapakita ang katarungang ito sa paghihiganti ng kalikasan. Kaya nandiyan ang mga baha, ang El Nino, ang global warming. May kasabihan na ang Diyos ay palaging nagpapatawad, ang tao ay minsan-minsan nagpapatawad, pero ang kalikasan ay hindi nagpapatawad. Bumabawi siya.

Dahil sa ginagamit natin ang mundo na ipinagkatiwala sa atin, sana nagbibigay din tayo ng bahagi ng May-ari. Ito ay ang balik-handog. Sa mga bigay ng Diyos may ibinabalik tayo sa kanya, kung tayo ay mabubuting katiwala. Kaya magbalik-handog tayo. Bahagi ito ng ating pagiging mabuting katiwala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 10,333 total views

 10,333 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 33,485 total views

 33,485 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 103,598 total views

 103,598 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 178,211 total views

 178,211 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 257,595 total views

 257,595 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily July 12, 2026

 7,126 total views

 7,126 total views 15th Sunday in Ordinary Time Is 55:10-11 Rom 8:18-23 Mt 13:1-23 Makapangyarihan ang simbahan. Tumagal siya ng higit na dalawang libong taon. Mula

Read More »

Homily July 5, 2026

 17,728 total views

 17,728 total views 14th Sunday in Ordinary Time Cycle A Zec 9:9-10 Rom 8:9.11-13 Mt 11:25-30 “Hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa

Read More »

Homily June 28, 2026

 25,967 total views

 25,967 total views 13th Sunday in Ordinary Time Cycle A St Peter’s Pence Sunday 2 Kgs 4:8-11.14-16 Rom 6:3-4. 8-11 Mt 10:37-42 Madaling sagutin ang tanong:

Read More »

Homily June 21, 2026

 29,031 total views

 29,031 total views 12th Sunday of Ordinary Time Cycle A Father’s Day Jer 30:10-13 Rom 5:12-15 Mt 10:26-33 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito.

Read More »
Scroll to Top