Sa kabila ng pagbabalik normal, publiko pinaalalahanan na patuloy na mag-ingat sa nakakahawang sakit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,871 total views

Ikinagagalak ng opisyal ng simbahan ang pagbabalik normal sa mga gawain lalo na ngayong papalapit ang Pasko makaraan ang tatlong taong pag-iral ng pandemia.

Ayon kay Novaliches Bishop Roberto Gaa, bumabalik na sa dati ang dami ng mga taong nagsisimba sa mga parokya, higit ngayong ipinagdiriwang ng simbahan ang misa nobenaryo ng Pasko ng Pagsilang.

“Nakakatuwa kasi, unti-unti na tayong bumabalik sa normal. Parang tanggap ng mga tao ang precautions na dapat gawin. Pero people are enjoying yung relationships more. Kaya nakatutuwa kasi na parang relax na ang mga tao, hindi na nababalisa dahil sa covid. Although parang meron na namang resurgence ngayon. At kailangan pa rin ang panibagong pag-iingat,” ayon kay Bishop Gaa.

Ito ayon pa sa obispo ay sa kabila ng muling pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa mga nakalipas na araw.

Sinabi pa ng obispo, kapansin-pansin din na mas marami ang mga mananampalataya na pinipiling magsimba sa madaling araw kung saan mas nararamdaman ang pagsasakripisyo sa pamamagitan ng maagang paggising sa madaling araw.

Pinapahintulutan na rin ang pagtanggap ng komunyon sa pamamagitan ng bibig-tatlong taon makaraan ang pag-iral ng Covid-19 pandemic.

Ito ayon kay Novaliches Roberto Gaa sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Radyo Veritas.

Pinaalalahanan din ng obispo ang mga Eucharistic ministers na huwag idikit ang kanilang daliri sa bibig ng mga tumatanggap ng komunyon.

“Dapat maging maingat ang minister na huwag ididikit sa labi ang kanilang mga kamay. Kasi kung ididikit sa labi lahat ng susunod ay compromise na,” ayon kay Bishop Gaa.

Pinapayuhan din ng obispo ang mga mananampalataya at mga lingkod ng simbahan na patuloy na mag-ingat lalo’t nanatili pa rin ang banta sa kalusugan ng nakakahawang sakit.

Bagama’t hindi na kasing mapanganib katulad ng mga nakaraang taon, hinihikayat pa rin ang publiko na patuloy na mag-ingat tulad na rin ng pagsusuot ng facemask at pananatiling malinis sa katawan sa lahat ng oras.

Simula December 12-18, nakapagtala ang Department of Health ng 2,725 na bagong Covid cases na 50 porsiyentong mas mataas sa nakalipas na linggo.

Sa tala, 16 ang kaso sa mga pasyente ang severe at nasa kritikal na kondisyon, habang naiulat din sa nakalipas na linggo ang 19 na covid-related deaths.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 21,223 total views

 21,223 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 49,228 total views

 49,228 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 67,028 total views

 67,028 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 66,143 total views

 66,143 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 177,057 total views

 177,057 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top