VeritasPH

The Word, The Truth

ANG NAGBABALITA AT ANG BINABALITAAN

SHARE THE TRUTH

 24,118 total views

Homiliya para sa Pang-apat ng araw ng Simbang Gabi, Martes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 19 Disyembre 2023, Lk 1:5-25

Nitong nakaraang Dec 8, pyestang Immaculate Conception, sa ordinasyon ng tatlong bagong pari ng Diocese of Kalookan, hindi si Mama Mary ang tinutukan ko ng pansin sa homily ko kundi si angel Gabriel. Nagbahagi ako tungkol sa kaugnayan ng papel ni Gabriel sa buhay at misyon ng simbahan sa daigdig: 1) tagahatid ng mabuting balita, 2) tagapagpaunawa sa kalooban ng Diyos, at 3) tagapag-anyaya na makiisa sa plano ng Diyos.

Ang gawaing ito ni Angel Gabriel kung minsan ay madali, pero kung minsan hindi. Depende rin kasi sa disposisyon ng binabalitaan. Kay Mama Mary, hindi nahirapan ang angel; kay Zacarias medyo nahirapan siya ayon sa narinig nating ebanghelyo. Doon sa kwento ng pagdalaw ng anghel kay Mama Mary, humingi lang ng konting clarification si Mama Mary, pero mabilis ang happy ending—mabilis na nasungkit ang matamis niyang oo.

Sa kuwento naman ng pagdalaw ng anghel kay Zacarias, parang inunahan na nga kaagad ni Gabriel ang mga questions na pwedeng itanong ni Zacarias. Siguro dahil sa excitement sa hatid niyang good news. May kasama na kaagad na mahabang paliwanag ang balitang hatid niya tungkol sa magiging misyon ng batang isisilang daw ng kanyang asawa. Pero hindi excitement ang reaksyon ni Zacarias kundi pagdududa. Kumbaga sa surprise birthday party ang na-surprise ay hindi ang sinusorpresa kundi ang nanunurpresa. Sabi ba naman ni Zacarias sa anghel: “Paano ko matitiyak na totoo nga ang sinasabi mo gayong matanda na ako at gayundin ang asawa ko…”

Madalas sabihin ni Pope Francis na ang simbahan may tendency rin na umastang parang si Zacarias. Parang matandang di na masorpresa. Wala nang makitang bago, wala nang pinananabikan, wala nang pinapangarap, nabubuhay na lang sa nakaraan. Ang kahapon, ngayon at bukas ay pareho lang. Para bang nasa maintenance mode; inuulit-ulit na lang ang nakagawian o nakasanayan.

Malungkot, sabi ng Santo Papa, kapag hindi na excited lumabas ang simbahan para magmisyon, para maghatid ng balitang nagbibigay-galak sa mga nasisiraan ng loob. Ganyan kapag tayo-tayo na lang ang nag-uusap at nagkakaintindihan. Kapag imbes na magpatulóy mas gusto nating magtabóy. Kapag ang simbahan para sa atin ay isang sarado at exclusive na samahan ng mga banal at karapat dapat, imbes na isang bukas na pagamutan para sa mga sugatan at maysakit.

Ganyan kapag naghihintay na lang tayo sa mga masisipag magsimba, mga tipong parokyanong na karamihan ay matatanda na at mga pagód na rin. Kapag wala na tayong ibang alam kausapin kundi ang mga tipong manang na sanay sa simbahan, kapag hindi na natin maakit ang mga bata at kabataan.

Ganyan kapag hinayaan nating maging mistulang mga museo na lang ang ating mga simbahan. Kumbaga sa punongkahoy, parang wala nang ibinubunga, nagsisimula nang malanta. Kapag nakatuon na lang tayo sa sarili at wala nang ibang layunin kundi ang i-maintain na lang ang ating mga institusyon. Kapag hindi na tayo marunong makinig at tumugon sa hamon ng panahon. Kapag hindi na tayo kay Kristo humihingi ng liwanag, wala na rin tayong liwanag na itatanglaw sa mundo.

Makakaawit kayang muli si Zacarias kung di muna siya napipi? Kung di muna siya pinatahimik ng anghel? Kaya siguro ang dinaluhan naming Sinodo sa Roma sinimulan muna sa retreat—sama-samang pananahimik para manalangin at magnilay imbes na magdiskusyon lang at magdebate o magpalitan ng kuro-kuro. Kung may sasabihin, dapat bunga ng panalangin. At pag may nagsalita, tumahimik muna bago iyung susunod, para namnamin ang narinig. Para ang mapakinggan ay ang Diyos sa pamamagitan ng tinig ng bawat isa. Iyon ang susi upang ang simbahang nakikipagkaisang-diwa kay Kristo ay makilahok din sa kanyang buhay at misyon sa kasalukuyang panahon.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 9,144 total views

 9,144 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 17,189 total views

 17,189 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 22,269 total views

 22,269 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 27,976 total views

 27,976 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 36,764 total views

 36,764 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,471 total views

 2,471 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 6,887 total views

 6,887 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,214 total views

 2,214 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 2,737 total views

 2,737 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,236 total views

 4,236 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,080 total views

 5,080 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,335 total views

 3,335 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,548 total views

 7,548 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 6,781 total views

 6,781 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 10,993 total views

 10,993 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,441 total views

 4,441 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,445 total views

 4,445 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,445 total views

 4,445 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,437 total views

 4,437 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 4,437 total views

 4,437 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top