Mananampalataya, binalaan ng Obispo laban sa isinusulong na People’s Initiative

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,918 total views

Hinimok ni Dipolog Bishop Severo Caermare ang mananampalataya lalo na ang kanyang nasasakupan na pairalin ang diwa ng pagiging tunay na kristiyano at Pilipino.

Ito ang mensahe ng obispo hinggil sa usaping pagsusulong ng pagpapalit ng konstitusyon sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Ayon kay Bishop Caermare may mga ulat sa kanilang lalawigang nagsagawa ng signature campaign sa nasabing intensyon kapalit ang salapi upang lumagda ang mamamayan.

“Nanghinaut kami nga kita magiyahan ug mainampingon sa kaugmaon sa atong nasud pinaagi sa pagpakabana. Dili unta kita mahaylo sa salapi ug dili pud unta kita madali-dalion sa atong mga desisyon. Apan gikinahanglan nato nga aktibo nga partisipasyon ug diskusyon aron kita magiyahan ug makat-on,” bahagi ng pahayag ni Bishop Caermare.

Umaasa akong gabayan tayo at maging maingat sa kinabukasan ng ating bayan sa pamamagitan ng ating pagmamalasakit. Hindi sana natin ipagpalit sa pera at hindi sana tayo padalos-dalos sa ating mga desisyon. Kailangan natin ang aktibong pakikilahok at talakayan upang tayo ay magabayan at matuto.

Nanindigan ang obispo na hindi dapat madaliin ang pagpapalit ng Saligang Batas lalo’t ito ang gabay ng isang bansa.

Batid ni Bishop Caermare na ang kasalukuyang 1987 Consitution ay binalangkas ayon sa kapakinabangan at kapakanan ng mamamayan kaya’t hindi ito dapat madaliin sa halip ay magsagawa ng makatarungang konsultasyon sa lahat ng mamamayan sa bansa.

“Ang People’s Initiative nga dili gikan sa makinaadmanon nga pamalandong ug tinuod nga panginahanglan sa katawhan modala lamang sa pag-usab nga pabor sa mga pipila lamang,” ani ng obispo.

Ang People’s Initiative na hindi nakabatay sa matalinong pagninilay at tunay na pangangailangan ng tao ay hahantong lamang sa pagbibigay pabor sa iilan.

Una nang nilinaw ni law professor Attorney Jose Manuel Diokno na hindi maaring baguhin ang 1987 Philippine Constitution sa pamamagitan ng People’s Initiative sapagkat malinaw na isinasaad na tanging pag-amiyenda lamang sa mga probisyon ang maaring gawin sa nasabing hakbang.

Tiniyak ni Diokno ang maigting na pagbabantay sa mga ulat sa pagsasagawa ng People’s Initiative at ang pagkwestyon sa legalidad nito sa Korte Suprema sakaling makitaan ng paglabag sa Saligang Batas.

Bukod kay Bishop Caermare nanawagan din si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo at Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa mamamayan na huwag lumagda sa People’s Initiative.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 16,976 total views

 16,976 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 26,340 total views

 26,340 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 52,796 total views

 52,796 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 102,839 total views

 102,839 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 107,107 total views

 107,107 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top