Ipagpatuloy ang aral ng ‘Pakikinig’.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,626 total reads

Ito ang mensahe ni Father Jason Laguerta, director ng Office for the Promotions and New Evangelization sa katatapos na Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) 10 na may temang ‘Salya: Let us cross to the other side’ na pangunahing tinalakay ang Synodal Church na sama-samang paglalakbay ng mga simbahan at mananampalataya.

Ayon sa Pari, sa tulong ng pakikinig ay higit na mapapalapit ang mga pastol ng simbahan sa mananampalataya at pakikinggan ang paggabay ng Espiritu Santo upang makamit ang tagumpay ng sinodo.

“Sabi nga ni Cardinal Jo Advincula, itutuloy natin ito sa PCNE 11 at nasimulan na ngayong taon ang metodo at proseso, yun ay ang pakikinig, ang ganda nung sinabi ni Cardinal Jo na yung transformative listening, napakaganda nito, kaya yung pakikinig, sabi nga sa Radio Veritas, makinig, doon tayo magsisimula, at sa pakikinig doon natin malalaman kung saan tayo dadalahin ng Espiritu Santo, kaya kung sasabihin na sa next year ganito ganiyan ang mangyayari, ang sagot ko doon ay sa Espirity Santo, depende sa kaniya, kung saan niya tayo dadalahin, makinig tayo sa kaniya at makinig din tayo sa isat-isa “ ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Laguerta.

Ipinagpasalamat ng Pari at Diyosesis ng Antipolo sa pagdating ng mga imahen ng Mahal na Poong Hesus Nazareno, Our Lady of Peace and Good Voyage at Señor Santo Niño sa tatlong araw na pagdaraos ng PCNE.

Ito ay dahil simbolo ang tatlong imahen ng matibay na paglalakbay ng simbahan at higit na pakikiisa higit na sa mga mananampalataya.

“Sila ang magiging gabay natin, ang mga imaheng ito ay magiging gabay natin paano ba tayo magsasalya, paano tayo magpapatuloy ng paglalakbay bilang isang simbahan, at tatawid tayo sa mas maayos, mas mapagmahal, mas bukas na simbahang naglalakbay ng sama-sama,” bahagi ng mensahe ni Father Laguerta sa Radio Veritas.

Nagpapasalamat din si Father Laguerta sa lahat ng mga nakiisa sa idinaos na PCNE X na dinaluhan ng libu-libong mga Pari, laiko, relihiyoso na mula sa ibat-ibang diyosesis ang nakiisa.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 3,397 total reads

 3,397 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 13,081 total reads

 13,081 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 54,184 total reads

 54,184 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 88,311 total reads

 88,311 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 144,717 total reads

 144,717 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top